Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Nyoy Volante - Sintunado Lyrics

DO-RE-MI-FA sintunado

Kung ako’y isang gitara ikaw ang maestro ko
Pagkat ako ay sintunado kung wala sa piling mo
Matagal na rin akong nakatengga ngayo’y inaalikabok
Tila napabayaan na ang sarili ngunit nabago nang pinulot mo

Ako’y nagka-saysay mula nung niyakap mo ako
Nilinis mong dumi’t alikabok at iningatan ng buong buo
Sa dakila mong kamay itono ang buhay kong ito
Upang ako’y magamit mo at bigyan ng himig sa mundo

La la la o kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog sa bawat pagtibok nito
La la la ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na ang dating sintunadong buhay ko

DO-RE-MI-FA sintunado
Pag wala sa piling mo, maestro

Kay sarap maging gitara kapag ikaw ang maestro ko
Pagkat hindi na sintunado dahil hawak mo na ako
Nilagyan mo ng himig ang mga nota sa isip kong gulong-gulo
Ang makalawang na kwerdas ng puso pinalitan mo pa ng bagong-bago

Ako’y nagka-saysay mula nung niyakap mo ako
Nilinis mong dumi’t alikabok at iningatan ng buong buo
Sa dakila mong kamay itono ang buhay kong ito
Upang ako’y magamit mo at bigyan ng himig sa mundo

La la la o kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog sa bawat pagtibok nito
La la la ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na ang dating sintunadong buhay ko

Binalik mo na sa tiyempo ang pusong syncopado
Kaya’t bawat pintig nito’y alay lang sa ‘yo
Oh woah

La la la o kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog sa bawat pagtibok nito

La la la o kay ganda ng awit ng puso ko
Pagkat ikaw na ang tumutugtog sa bawat pagtibok nito
La la la ayoko na sayo ay lumayo
Pagkat ngayon ay nasa tono na ang dating sintunadong buhay ko

Sintunado…
Pag wala sa piling mo