Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Tony Labrusca and JC Alcantara - Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba Lyrics

Ang dami nilang sinasabi
Malapit na nga akong mabingi
Sa mga napupuna nila
Ah, nakakasawa din pala

Sabi-sabi nila
Na 'di tayo magtatagal
Kesyo ganito, kesyo gan'yan
Sa una lang daw tayo masaya

Ah-ha, ah-ha, ha, ah-ha
Ah-ha, ah-ha, wala tayong magagawa
Ah-ha, ah-ha, ah-ha
Tawanan na lang natin

Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Pangako ko sa 'yo na walang mag-iiba
Wala, walang magdidikta sa nadarama
Kahit na ano'ng sabihin ng iba

Mahal kita, ooh
Mahal kita, ooh

Ah-ha, ah-ha, ha, ah-ha
Ah-ha, ah-ha, wala tayong magagawa
Ah-ha, ah-ha, ah-ha
Tawanan na lang natin

Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Pangako ko sa 'yo na walang mag-iiba
Wala, walang magdidikta sa nadarama
Kahit na ano'ng sabihin ng iba, mahal kita

Sabi-sabi nila na
Babaero ka
At 'pag nakatalikod ako, may tine-text kang iba
Babatukan talaga kita

Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ha
Ah-ha, ah-ha, ano'ng alam nila?
Ah-ha, ah-ha, ha

Inggit lang sila sa atin
Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Pangako ko sa 'yo na walang mag-iiba
Wala, walang magdidikta sa nadarama
Kahit na ano'ng sabihin ng iba

Mahal kita, ooh
Mahal kita, ooh

Tony Labrusca and JC Alcantara - Kahit Na Anong Sabihin Ng Iba (Lyric Video)


KAHIT NA ANONG SABIHIN NG IBA
Performed by Tony Labrusca and JC Alcantara
Words & Music by Gabriel Tagadtad
Piano arrangement by Tim Recla
Additional strings arrangement by Arnold Buena
Mixed & Mastered by Tim Recla
Produced by Jonathan Manalo

Copyright 2020 by ABS-CBN Film Productions, Inc. All Rights Reserved.

Tony Labrusca - Tanging Ikaw Lyrics

Di na kayang magpanggap ng pusong hirap
Bakit ngayon ko lang nalaman
Ang tunay na nararamdaman
Di alam ang gagawin
Gusto ko sanang sabihin
Na sa loob nitong damdamin
Kailan kaya maaamin

Di pa ba napapansin ang
Pusong may nililihim
Kailan ba masasabi sayo

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
Ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangarap ko'y
Tanging ikaw

Bakit di ko napansin
Na lagi kang nandyan
Bawat lingon iba ang hanap
Ikaw pala'y nasa harapan
Kung pwede lang na
Maibalik ang bawat sakit na nagdaan
Lagi ko sayong ipararamdam

Ang pusong di pa napansin
Ang tunay na nililihim
Kailan ba masasabi sayo

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
Ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangako ko'y
Tanging ikaw

Iba ang kaba na nadarama
Lalo ngayong kaharap kita
Tanging hiling sa pag amin
Sana'y dinggin

Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip
Bawat pagtulog ay
ikaw ang panaginip
Tanging ikaw lamang
Ang laging nasa isip ko
Ang ngiti at 'yong tingin
Pano ba maaangkin
Ang syang pinapangarap ko'y
Tanging ikaw