Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

UDD - Run Deep (Music Video)


Composed and Arranged by
Paul Yap, Ean Mayor, and Carlos Tañada

Produced by
Paul Yap, Ean Mayor, Carlos Tañada, and Francis Lorenzo

Engineered, Mixed, and Mastered by Francis Lorenzo

Recorded at Wonder Collab Studios

Special thanks to Verb Del Rosario and Toti Dalmacion

Executive Producer: Viva Records and Vic Del Rosario


indie.go
Director: Nicolo Reyes
Executive Producer: Adi Lopez
Director of Photography: Mackie Galvez, LPS
DMX Programmer: Mico Manalaysay
B Camera Operator: Jethro Jamon
Gaffer: Edward Lazaro
Production Manager: Glenda Mugol

Post-production:
Brainfarts Media
Mai Dionisio

Sponsored by:
Aputure Philippines
RSVP Film Studios Inc



Branding & Photography:
Everywhere We Shoot

Style Directing & Styling:
Everywhere We Shoot

Styling Asst: Rik Rasos
Make-Up: Angie Cruz
Hair: Bonita Teano

Project Manager: Mads Lamanilao
Asst Project Manager: Vher De Claro

Special thanks to Adidas Philippines, Ronnie and Joe

Up Dharma Down - Paagi Lyrics

[Verse 1]
'Wag mangangamba
Ako’y 'di mag-iisa
Handa nang dalawin ng pangungulila
Ang nakaraan
Ay nasa harapan
Ang kasalukuyan, ilusyon lamang

[Chorus 1]
Ang sabi ng marurunong
Nag-iisang pangalan
Lamang ang pagitan sa'tin
Naniniwala ang puso ko
Na pansamantala lang
Ang 'yong pamamaalam

[Verse 2]
Minsan sa gabi
'Di mapakali
Tila ba ako’y may pagkakamali

[Chorus 2]
Sadyang nakakapanghina
Parang 'di ko kakayanin
Bigat ng mundo sa'kin
Ngunit ako’y magsisikap
Hindi ko sasayangin
Pamana mo sa akin

[Bridge]
Dahan-dahan
Sa pangako
May nakikinig
Sa bawat kanto
Paagi 'yang lihim

[Outro]
I fear no one
When I feel you next to me
I fear no one
When I feel you next to me

Just Hush x UDD - 'Di Ka Mawala Lyrics

Pagsapit ng gabi laging inaabangan
Liwanag ng buwan
Ngayon ay nasaan ang kalayaang mag-isip
Mag-isip ng kung ano
’Di tungkol sa ’yo
‘Di tungkol sa ‘yo

Ako’y nangako sa sarili
Na ‘di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
‘Pag pinikit ko ang mata

Sa ‘king pagtulog ikaw ang laging nandyan
Sa panaginip ‘di ka mawala
‘Di ka mawala

Pagsapit ng umaga laging inaabangan
Bagong umaga na walang nag-iba
Ikaw pa rin ang hinahanap, malayo ang tingin
Ako’y gising na nangarap nakatulala sa hangin

Ako’y nangako sa sarili
Na ‘di na iisipin pa
Ngunit ikaw pa rin ang nasisilayan
‘Pag pinikit ko ang mata

Sa ‘king paggising ikaw ang laging nandyan
Sa isip ko ‘di ka mawala
‘Di ka mawala…

Sa ‘king pagtulog ikaw ang laging nandyan
Sa panaginip ‘di ka mawala
‘Di ka mawala

Panaginip lamang ba
Tayo’y magsasama...

Panaginip lamang ba, ohh…
Tayo’y magsasama, ohh..

Panaginip lamang ba, ohh…
Tayo’y magsasama, ohh..

Panaginip lamang ba, ohh…
Tayo’y magsasama, ohh..

Just Hush x UDD - 'Di Ka Mawala (Official Lyric Video)


The Official Lyric Video of " 'Di Ka Mawala by Just Hush and UDD.

Composer: Jason Magtoto and UDD
Publisher: Coca- Cola Philippines, Inc.
Distributor: Viva Records, Corp.
Executive Producer: Coca- Cola Philippines, Inc.
Line Producer: UXS, Inc. (Unitel/StraightShooters)
Arranger: UDD
Recording engineer: Stein Baybay (Wonder Collab)
Mixing and mastering engineer: Francis Lorenzana (Wonder Collab)

Up Dharma Down - Anino Lyrics

Pagod na ang mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang, nakapako sa aking isipan
Tahan na, umiiyak ka na naman
Hindi ba't ikaw din ang papahid ng luhang yan

Hindi ka ba nag-sasawa sa tuwing titindig at titig sa salamin
Lahat ay nag-wakas, nakamtan ang kalayaan ko
Habang mayroon pang nalalabing lakas, nais kong malaman mo

Heto ako, sumpang hindi na uulit pa
Heto ako, handang-handang iwanan ka
Heto ako, mamumuhay ng mag-isa
Heto ako, ba't nariyan ka pa

Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganyan lang tal'ga, wala sa katwiran
Alam mo, tama na tapos na ang nakaraan
Hindi ito nararapat gawan ng paraan

Hindi ka ba naiinis sa tuwing ika'y sinisisi
Sa pag-ibig na kailan ma'y hindi na umusbong
Noon ay sinabik, ngunit ngayon ako'y nagbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit na silayan kang muli

Heto ako, nakatayo sa iyong harapan
Heto ako, handa na atang masaktan
Heto ako, 'di na mag-papapigil pa
Heto ako, nariyan ka pa ba

Heto ako, dahil sa iyo'y gulong-gulo
Heto ako, sana'y paniwalaan mo
Heto ako, umaawit, litong-lito
Heto ako, unawain mo

Kailangan pa ba, kailangan kita
Nasaan ka na, nariyan ka pa ba
Ika'y sumumpa, hindi mawawala ang iyong pag-sinta
Huwag mo, huwag mo akong iiwan

Patawad kung ikaw ay nasaktan

D'Sound & Armi Millare - Lykkelig Lyrics

Pag sapit ng dilim
Iiwanan ang mga alalahanin
Maghahanap, magtatawag ng kasama
Walang pakialam
Sa sasabihin ng iba
Konting-konti na lang
At ako'y iindak nanaman

Mukhang handang-handa nang
Magpakawala
Hindi mapipigilang magsaya
Ating malilimutan, mga hinaharap
Tayo ba'y mag tutulungang

Lumipad
Wala nang bababa
Lumipad
Hanggang umaga na

Mukhang handang handa nang
Magpakawala
Hindi mapipigilang magsaya
Ating malilimutan, mga hinaharap
Tayo ba'y mag tutulungang

Lumipad
Wala nang bababa
Lumipad
Hanggang umaga na
Lumipad
Huwag nang mag-abala

Lumipad
Sana'y kasama ka

Tayong handang-handa nang
Magpakawala
Hindi mapipigilang magsaya
Ating malilimutan
Mga hinaharap
Tayo ba'y mag tutulungang
Lumipad
(Hanggang umaga)

Wala nang bababa
Lumipad
Hanggang liwanag
Lumipad
Wala nang bababa
(sasama ka ba)
Lumipad
Hanggang umaga na
(sasama ka ba)
Sana'y kasama ka

Signalgiant ft. Armi Millare - The Struggle (Audio)


The brand new single from Signalgiant feat. Armi Millare, released 02/07/18 under Tower of Doom Music.

Up Dharma Down - Unti-unti Lyrics

Unti-unting naglalapit
ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya’t walang takot

Ang saya at pagsinta’y
Tila walang kapantay
inaabangan ang bawat pagtagpo

Walang mintis ang tuwa
sating dalawa
Hinamak ang lahat

Unti unting nawawala
Ang iyong mga salita
Dahan dahang naglalaho
Ang lahat ng pangako

Napapansing lumalayo
ang 'iyong tingin
Di na alam ang dapat kong gawin
Tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin

Ang tamis at aruga
na laganap sa simula
ngayo'y nabaon na

Sa puso't isip na mapait
'di na maibabalik
Sa unang araw.

Ang pait at ang sakit
na dati'y wala naman
ngayon ay hindi na mailagan

Ang tanong na walang sagot
luha ang nadudulot
sa ating mga mata

Hahanap-hanapin
ang mga bulong sa gabi
Ulit-ulitin
ang bawat kwento at sikreto natin

Hanggang wala na
ang luha sa puso ko
Hanggang sa muli
tayo rin magtatagpo.

Up Dharma Down - Sigurado Lyrics

Natatakot ikaw ay mawala sa aking tabi
Namumuo ang lakas ng aking kaloobang
Magmahal nang muli
Hindi ka ba katulad nila
Magpapakilala, makikisama
Hahatian ka ng pangarap
At lilisang siyang hinahanap mo

Nalilito, naliligaw
Maging ako, maging ikaw

Huwag mo nang pigilan
Ang sinisigaw ng puso mo
'Di ka bibitiwan
Kahit ano pa ang sabihin mo
Huwag nang mangatuwiran
Palawakin pa ang isip mo
Hindi kita iiwan
Kahit ipilit mo
Ako'y iyong iyo

Huwang ka nang mabahala, araw at gabi
Hindi ako katulad nila
Magpapakilala, makikisama
Hahatian ka ng pangarap
At lilisang may hinahanap pa

Nalilito, naliligaw
Maging ako, maging ikaw

Huwag mo nang pigilan
Ang sinisigaw ng puso mo
'Di ka bibitiwan
Kahit ano pa ang sabihin mo
Huwag nang mangatuwiran
Palawakin pa ang isip mo
Hindi kita iiwan
Kahit ipilit mo
Ako'y iyong iyo

Kuha sa tingin pa lang
Di na 'ko naglilibang
Naririto na ako
Naghihintay sa'yo
Kunin ang mga kamay
Tayo na at magsabay
Wala nang maghihintay
Di ipagkakailang…
…(Repeat)

Palawakin ang isip mo
Nang makapasok naman ako
Sa puso mo