Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Valley of Chrome - Boses Lyrics

Ang boses ko ay boses mo, boses nating lahat

Ang daming sinasabi ng iba, na laban sa iyong gusto, uhaw sa kalayaan na hinahanap mo

San ka humuhugot ng lakas?
Wala namang nakikinig
Itong tunog ay iyong sandata
Mga kataga sa iyong bibig

Mapanirang kababayan
na sanay sa kababawan
Sumisigaw sa kuwartong
binalot ng dilim

Sobrang ingay ba para sa kanila?
Dapat gamitin upang makagising!


Ang daming sinasabi ng iba, na laban sa iyong gusto

San ka humuhugot ng lakas?
Wala namang nakikinig
Itong tunog iyong sandata
Mga kataga sa iyong bibig

At mararamdaman nila
kung anong totoo, sa bawat sigaw

San ka humuhugot ng lakas?
Wala namang nakikinig
Itong tunog iyong sandata
Mga kataga sa iyong bibig

Sa mundong bingi na sa boses mo
May mga nakikinig pa rin sayo
San ka humuhugot ng lakas?
Ngayon alam mo na!

Ang boses ko ay boses mo, boses nating lahat

Ika'y laging maririnig
gamitin ang iyong tinig..

Valley of Chrome - Boses (Official Lyric Video)


The new single from Valley of Chrome , released February 16, 2024 under Tower of Doom Music.

Tracked by Symoun Durias of Tower of Doom
Mixed and mastered by Macoy Manuel of Doom
"Boses" artwork by @lynyrd.paras.art

Valley of Chrome - Walang Takot Lyrics

May kaba sa dibdib at sa iyong mata
Pinipigilan ka ba nila?
‘Di nila alam ang kuwento mo

Lahat ng hadlang ay lalampasan
Ang lungkot ay di na babalikan
Mabigat na kahapon ay iniwan mo

Panahon mo na

Walang takot
Humarap sa dilim
Kahit apoy ay babanggain
Kahit sino pa ‘yan ‘di tayo tatablan


Inagawan ka ba ng pangarap
Kaligayang hinahanap mo
Tatapusin natin ang sumpa
‘Di ka na hahamakin pa

Panahon mo na

Ngayong tanggap mo na ang iyong kahinaan
Itutuwid mo na ang iyong kamalian
Pamilyang nandyan
Mga kaibigan
Lumiliwanag na ang kadiliman

Panahon mo na

Sasabihin nila ang sasabihin nila

Iangat ang iyong sarili
Sa iyo dapat mag-umpisa
Dignidad ay panghawakan
‘Di ka katulad ng iba

Valley of Chrome - Walang Takot (Official Music Video)


The new single from Valley of Chrome , released September 13, 2023 under Tower of Doom Music.

Director: Eric Perlas & Carlo Perlas
Production: Tower of Doom
Cinematographer: Aeron Matawaran
Lighting Director: Eric Perlas
Assistant Director: Kenneth Reboredo
Technical Director: Aeron Matawaran
Editor: Rem Dorado, Boogs San Juan
Post Production: Boogs San Juan, Kenneth Reboredo, Rem Dorado
Color grading: Boogs San Juan
Environment Designer: Ercel Santiago & Boogs San Juan
Production Manager: Anne San Juan
Production Staff: Evrett Aguinaldo, Rem Dorado, Ercel Santiago
HMUA: Anne San Juan

Audio Recorded at Tower Of Doom Studios
Recorded by Symoun Durias
Produced, Mixed and Mastered by Macoy Manuel

Valley of Chrome - Luha Ng Kaaway (Official Lyric Video)


The new single from Valley of Chrome , released Mar 24, 2023 under Tower of Doom Music.

Tracked by Symoun Durias 0f Tower of Doom
Mixed and mastered by Macoy Manuel of Doom

Valley of Chrome - Luha Ng Kaaway Lyrics

‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway

‘Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
‘Pag napawi ang abo, tayo ang matitira
Maraming pinatunayan, maraming dinaanan
Binagyo at sinunog walang sugat na nagmarka
Binaha at nilunod
Tuloy pa rin ang paghinga

Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi

‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway
Sa awit ng demonyo, hindi ka sasabay
Ang papawi sa pusong uhaw ay luha ng kaaway

Walang sinuman ang makakapigil
Sa lait nila ‘di pasisiil
Martilyong babasag sa ilusyon
Pinatibay ng paglipas ng panahon


Hawak mo ang tropeo
Ng kanilang pagkamuhi
Hawak mo ang tropeo
Ng kanilang pagkamuhi
Wala paki kung ‘di sumikat
Ang araw sa takipsilim
Galit nila ang bumubuhay
Sa katawan mong mortal
May rason talaga kung bakit
‘Di sila nagtatagal

Hinugis ng bakal at apoy
Puso ay pinatibay ng ulan ng bala
Ito ay koro ng inaapi
At awitin ng magwawagi

‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway
Sa awit ng demonyo, hindi ka sasabay
Ang papawi sa pusong uhaw ay luha ng kaaway

‘Di magpapatalo sa paglalakbay
Hangga’t di mo naiinom ang luha ng kaaway
Sa awit ng demonyo, hindi ka sasabay
Ang papawi sa pusong uhaw ay luha ng kaaway

At luluha pa kayo

Valley of Chrome - Mahirap Mahalin Lyrics

Nasasakal ka na, ano ang dapat kong gawin
Masakit makita na iyong leeg may nakatutok na talim
Minamahal kita, sa puso ko'y dala
Sa tuwing nagpupumiglas
Nasusugatan ka

Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan

Sa katunayan nga, mahirap kang mahalin
Bayan kong inabuso ng mga salarin
Mahirap mahalin, bansang nasasakdal
Hangga't sila'y makapangyarihan di tayo magtatagal

Sinasaktan, dinudusta, ang iyong pangalan
Dinadala sa putikan, minamahal kong bayan

Ang dati mong ganda, naglalaho na
Inaabusong kapangyarihan, may matitira pa ba

Hangga't may kamay na bakal na sumusuntok sa kanyang dibdib
Hangga't may mga dilang anghel na may garote sa kanyang leeg
Alam kong marami sa atin ang pagod nang ipaglaban siya
Sa huli kung walang kikilos, sama sama tayong tutumba

Di kami papayag

Di kami papayag, walang galang sa ama
Di mo na masasaktan, ang aming ina
Di mo na masasaktan, ang aming ina

Valley of Chrome - Mahirap Mahalin (Official Lyric Video)


The brand new single from Valley of Chrome, released December 8, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked by: Symoun Durias of Tower of Doom
Mix and mastered by: Macoy Manuel of Tower of Doom

Valley of Chrome - From The Shadows Lyrics

WE DWELL IN THE SHADOWS
BUT HOPE EXISTS WITHIN THESE WALLS
YES, WE DREAD TOMORROW
THERE'S STILL A FIGHT LEFT IN US ALL

SO WE WALK THIS DYING ROAD
ALL OUR STORIES WILL BE TOLD
WE WILL BE HEARD ONCE AGAIN

THOUGH BLEAK AND DESPERATE
WE THRIVE, WE SURVIVE
WE CARRY ON AND CLAIM THE BURDEN
IT'S A SIGN THAT WE'RE ALIVE

FED LIES AS IF A FULL COURSE MEAL
IT IS HELL THAT WE TASTE
WE ARE PAWNS IN A CUTTHROAT GAME
IN THE END-- THE UNNAMED

WHEN EVERY DAY IS A MARCH TO THE END
WE ALL HAVE NOTHING TO LOSE
IT'S ONLY A MATTER OF TIME
BEFORE WE PUT AN END TO THE ABUSE

HAVE YOU HAD A DANCE WITH DEPRESSION?
HAVE YOU PREDICTED THE END?
ARE YOU PREPARED TO LOSE WHAT YOU LOVE
FOR WHAT YOU'VE SWORN TO DEFEND

IS IT ME OR YOU WHO'S DESERVING
TO BE HANDED THIS PREDICAMENT
WHY ARE WE THE ONES WHO'RE HURTING
YET UNNAMED IN THE END

AND FROM THE SHADOWS WE REAPPEAR
YES WE HAVE ALWAYS BEEN HERE
IT'S TOO LATE TO STOP THIS FORCE
THAT RUNS ON ANGER AND FEAR

SO WE WALK THIS DYING ROAD
ALL OUR STORIES WILL BE TOLD
WE WILL BE HEARD ONCE AGAIN

THOUGH BLEAK AND DESPERATE
WE THRIVE, WE SURVIVE
WE CARRY ON AND CLAIM THE BURDEN
IT'S A SIGN THAT WE'RE ALIVE

FED LIES AS IF A FULL COURSE MEAL
IT IS HELL THAT WE TASTE
WE ARE PAWNS IN A CUTTHROAT GAME
IN THE END-- THE UNNAMED

Valley of Chrome - From The Shadows (Official Lyric Video)


The brand new single from Valley of Chrome, released August 18, 2021 under Tower of Doom Music.

Tracked by: Symoun Durias of Tower of Doom
Mix and mastered by: Macoy Manuel of Tower of Doom

Valley of Chrome - Yakap Sa Multo Lyrics

Itong huling habilin ang tunay na mahapdi
‘Di mo maitanggi ang bawat hikbi

Ako’y narito nag-iisa sa rehas ng puso ko
Luhaan sa gitna ng gulo
Nakayakap sa multo

Sana’y hinigpitan ang huling yakap mo bago man lang lumisan at naglaho
Abot kamay ang langit ngunit ‘di ka lumaban
Hinayaan mo itong mamatay na lamang

Pilit mong iniiwan ang nakaraan
Tuwing naaalala laging nasasaktan
May galit sa sarili, ‘di kayang patawarin
May mga bagay na sadyang ‘di para sa atin

Mga gabing walang tulog, kastilyo mong abo
Mga pangarap mo’y tuluyang naglaho
Sadyang di mo maamin at ‘di mo matanggap
Araw-araw nagpapanggap

Ako’y narito nag-iisa sa rehas ng puso ko
Luhaan sa gitna ng gulo
Nakayakap sa multo

Darating din ang katapusan, ang lumbay at kalungkutan
Iwanan ang kapalarang kay lupit
Pagdurusa mo’y may kapalit

Itong huling habilin ang tunay na mahapdi
‘Di mo maitanggi ang bawat hikbi

Valley of Chrome - Yakap Sa Multo (Official Lyric Video)


Valley of Chrome - Yakap Sa Multo

The brand new single from Valley of Chrome, released Aug. 24, 2018 under Tower of Doom Music.

Valley of Chrome - Alay Lyrics

Dala ko kayo sa isipan,
pagmamahal na walang hanggan
Di na baleng masaktan basta't alam ko kayo'y nandiyan
Lalo lang lumalakas, sa mata ng nang-aapi
Di nila kayang tapatan, tayo pa rin ang magwawagi

Alay ko, sa inyo
lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n’yo

Alam kong may hangganan ‘to
Ang lahat ng paghihirap ko
Hapding dala ng araw, napapaso ang balat
Bawat sugat ay iniinda, wala sa ‘ting bibitaw

Alay ko, sa inyo
lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n’yo
Alay ko, sa inyo
Mga sugat ko ay maghihilom, magbabalik ako sa piling n’yo

Di magpapapigil ang pangarap na dala
Sa akin nakasalalay ang kinabukasan nila
Lalong tumitibay alam ko sila'y nandyan
Di magpapatalo sa mga hamon ninuman

Magbabalik ako sa piling n’yo

Valley of Chrome - Alay (Audio)


The brand new single from Valley of Chrome, released Apr. 22, 2018 under Tower of Doom Music.

Valley of Chrome - Christmas In Our Darkened Hearts Lyrics

Whenever I see girls and boys
crying out loud on the street
I remember the child courting danger
as he sleeps
whenever there are people who cant afford nothing but cards
I can feel the beating of my darkened heart

These burning Christmas trees
they bring nothing but sorrow
Will we ever be at peace
or even one with God?

Can you sing Merry Christmas And a happy holiday, This season where we tend to forget The love we had for Jesus
Do we need a higher guidance As another new year starts And may the spirit of Christmas
stay in our darkened hearts

For every prayer and every song there will always be a fight,Can we ever unite for
our Savior, Jesus Christ? Can love burn like embers like that first Christmas morn? Lead us away from danger Where Christ forever mourns So, come let us make noise Come and sing a Christmas carol With screaming and more noise Proclaim the name of the Lord!

Valley of Chrome - Itsuka いつか (Balang Araw Japanese Version) Lyrics

絶望の叫び
ZETSUBOU NO SAKEBI
真実はどこだ?
SHINJITSU WA DOKODA?
時計は止まったまま
TOKEI WA TOMATTA MAMA
もう戻れない
MOU MODORENAI
絡みつく声
KARAMITSUKU KOE
閉ざされた心
TOZASARETA KOKORO


もしもできることなら
MOSHIMO DEKIRUKOTONARA
月の陰に隠した
TSUKI NO KAGE NI KAKUSHITA
あの頃の想いを
ANOKORONO OMOI WO
Get back ! Awaken !
目を覚ませ!呼び覚ませ!
MEWOSAMASE! YOBISAMASE!
Dont let it go to waste!

夢をみる全ての人は
YUMEWO MIRU SUBETENO HITOWA
手のひらに落ちた
TENOHIRANIOCHITA
神からの希望を
KAMI KARANO KIBOU WO
My friend, hold on to my hand
憧れの明日へ
AKOGARE NO ASUE
Face the morning sun!

この苦しみから
KONO KURUSHIMI KARA
何が見える?
NANIGA MIERU?
この声さえ届かないから
KONO KOE SAE TODOKANAI KARA
彷徨い続ける
SAMAYOI TSUZUKERU
When that day finally comes, all your pain will disappear!
信じ続ける
SHINJITSUZUKERU
傷つけられても
KIZUTSUKERARETEMO
Never fear! Take my hand!
孤独を振り払え
KODOKU WO FURIHARAE
運命を信じて
UNMEI WO SHINJITE
いつか
ITSUKA
Destiny!

夢をみる全ての人は
YUMEWO MIRU SUBETENO HITOWA
手のひらに落ちた
TENOHIRANIOCHITA
神からの希望を
KAMI KARANO KIBOU WO
My friend, hold on to my hand
憧れの明日へ
AKOGARE NO ASUE
Face the morning sun!

Your rise to the top, means their death
Your promise to rise above, bring it back to consciousness.
They will never talk ill of you or violate you again
This is for the ones who always dream
The stars will bow from the skies

Valley of Chrome - Balang Araw Lyrics

Desperadong tunay kung tawagin nila
meron pa bang naiwang gana at debosyon
Na ituloy lahat ng pinagpaguran mo
Sabi mo masaya ka dito bakit mo iiwanang bigla
Ang sisira ba ng lahat ang siya ring lumikha
papayag ka ba? mapunta lahat sa wala

Ito'y para sa mga nangangarap
pero di natutupad
nawawalan ng pag asa
Kaibigan kapit ka lang
Darating din ang umaga
Ang umagang hanap mo

Di mo kasalanan kung hindi nagtugma
Ang lahat ng iyong ninanais ay may panahong takda
Pagdating ng araw na iyon, pagdurusa mo'y mawawala
Huwag na huwag sumuko, hawak mo ang kapalaran
Puro latay at pasa, ang lungkot ay iyong labanan
Mga tala'y luluhod, sa iyong paanan

Ang iyong pag angat, kanilang kamatayan
Ang sumpa mong bumangon, ibalik sa kamalayan
Di ka nila maaping muli at aapakan
Para sa mga nangangarap, luluhod ang mga tala

Valley of Chrome - Maskara Lyrics

Sa paningin nila, ikaw ay nag iisa
Napapansin ang kahinaan mo
Ngunit di nila alam ang lakas na iyong taglay
Bakit ka naka-balatkayo?

Bawa’t lukso ng dugo na dala ng luha mo
Ang magbabanlaw sa mga sugat mo
Tanggalin ang maskara

Sa dilim nagtatago dahil ‘di nila tanggap
Basagin ang imaheng mali at pagpapanggap
Di ka nila gusto dahil ikaw ay totoo
Dahil nagiisa kang naninindigan sa paniniwala mo

Sino ba sila para ikaw ay husgahan?
Ang katotohanan ba ay nasaan?

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo- ang iyong maskara

Merong takip ang mga mata, nabulag sa nagaganap
Walang kinabukasan at wala ring hinaharap
‘Yang galit mo, sa nakaraan, sa limot ibaon
Panghihinayang at pagsisisi ang sumisira sa ngayon

Asahan mong di na maibabalik
Tigilan mo na ang iyong pagkukunwari

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo, ang iyong maskara

Saan? Kelan? mo ba matatanggap ito?
na higit ka pa sa inaakala mo
Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon
Matatandaan ka nila sa paglipas ng panahon

Huwag nang maghintay
Ibahin isabuhay ang istorya mo
Dapat mamatay
Tanggalin ang balatkayo

Ang lakas mong taglay, nasa sa iyo
ang kinabukasan mo
Dapat mamatay- tanggalin ang balatkayo

Ang iyong katapangan ang babasag (Mananatili ‘to)
Ang gigising sa mga patay ang diwa
Lipas na ang araw ng lumang pagkatao mo
Kalabanin ang sarili, bago ang mundo

Valley Of Chrome - Markang Bungo (Japanese Version) Lyrics

Kokoro no tatakai de
Mou hitori dewa naku
Yuuigi ni ikiro –
Markang bungo

Kono yo de mainichi
Wo sugoshi
Imi ga aru no ka
Ikigai ga aru no ka
Yuugure toki ni
Me wo tsubutta toki ni
Reikoku na yonaka nimo
Tsurai me ni atta hi ni mo

(2x)
Kokoro no tatakai de
Mou hitori dewa naku
Yuuigi ni ikiro –
Markang bungo

Kokoro ga riyuu wo shimesu
Ame futte ji katamaru zo
Kaminari no keshin yo
Subete wo yakeusete
Kaku shougai wo tori kuzushite
Unmei ga mikata suru
Omoikkiri de shinwa ni nare
Zettai wasurerarenai

(2x)
Kokoro no tatakai de
Mou hitori dewa naku
Yuuigi ni ikiro –
Markang bungo

Karisome no jinsei wa hakanai yo
Soredemo mokuteki ishiki ga aru

(2x)
Kokoro no tatakai de
Mou hitori dewa naku
Yuuigi ni ikiro –
Markang bungo

Riyuu wo tsukete miro yo
Itsu datte mo
Nanimo muda ni naranu

Kaku shougai wo tori kuzushite (mou hitori dewa nai)
Unmei ga mikata suru (kokoro no tatakai de)
Kaku shougai wo tori kuzushite (Yuugi ni ikiro)
Marking bungo

Valley of Chrome - Markang Bungo Lyrics

ANG BAWAT ARAW MO
DITO SA MUNDO
MERON BANG KAHULUGAN?
MERON BANG PUPUNTAHAN?
SA BAWAT TAKIPSILIM
SA PAGPIKIT NG IYONG MATA
SA BAWAT GABING WALANG AWA
MGA ARAW NG PANDUDUSTA

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

TIBOK NG PUSO AY MAY RASON
IKAW AY HINUBOG NG PANAHON
IKAW AY KULOG AT KIDLAT
NASUSUNOG NA SILANG LAHAT
BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
AMBAG MO'Y MARARAMDAMAN
DI KA MALILIMUTAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

ANG BUHAY NATIN AY PANANDALIAN LANG
MABILIS MAN ITO NGUNIT MAY KAHULUGAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

BIGYAN NA NATIN NG RASON
ANG NOON AT NGAYON
DI NA MABABALEWALA

BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
(HINDI KA NA NAG IISA)
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
(SA LABAN NG KALULUWA)

SULITIN ANG BAWAT HINGA-MARKANG BUNGO