Pinoy Radio Here:

Willie Revillame - Dito Lang Ako Lyrics

Laging namumugto ang iyong mga mata
Kahit na pilit itago aay aking nakikita

Alam ko na ikaw ngayon ay nagdurusa
Ngunit bakit ba mahal na mahal mo siya

Maraming ulit na sa akin ay nasabi mo
Na hindi mo na makakaya nangyayari sa’yo
Sana’y buksan ang pintuan ng puso mo
At ako naman ay papasukin mo

Chorus:
Dito lang ako isang tawag mo lang
Lagi ay handang ika’y damayan
Dito lang ako at handang ibigay sa’yo
Maging ang kailanman
Sa hirap at saya lagi’y makakasama mo
Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo

Maraming ulit na sa akin ay nasabi mo
Na hindi mo na makakaya nangyayari sa’yo

Sana’y buksan ang pintuan ng puso mo
At ako naman ay papasukin mo

Chorus:
Dito lang ako isang tawag mo lang
Lagi ay handang ika’y damayan
Dito lang ako at handang ibigay sa’yo
Maging ang kailanman
Sa hirap at saya lagi’y makakasama mo
Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo

Lagi kang iibigin at pakamamahalin
Ikaw ang siyang lahat para sa’kin
Para sa’kin

Chorus:
Dito lang ako isang tawag mo lang
Lagi ay handang ika’y damayan
Dito lang ako at handang ibigay sa’yo
Maging ang kailanman
Sa hirap at saya lagi’y makakasama mo
Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo

Willie Revillame - Gandang Pilipina Lyrics

Pag ika’y aking namamasdan
Di ko mapigilan na ibigin ka
Kahit na saan ka mapunta
Nangingibabaw ang iyong ganda

Nangungusap mong mga mata
Mga labi mong mapupula
Sa’kin ay humahalina
Pwede bang ikaw na
Sa kaharian ko
Ang aking maging prinsesa

Gandang Pilipina ay naiiba sa mundo
Natatangi ang bawat katulad mo
Pwede bang marinig kay tamis mong “Oo”
Sa bawat sandali ako na ang laging kapiling mo

Kahit na sa panaginip ko
Ikaw ang kasama’t yakap-yakap ko
Sa init ng ‘yong pagmamahal
Ay parang langit sa piling mo

Nangungusap mong mga mata
Mga labi mong mapupula
Sa’kin ay humahalina
Pwede bang ikaw na
Sa kaharian ko
Ang aking maging prinsesa

Gandang Pilipina ay naiiba sa mundo
Natatangi ang bawat katulad mo
Pwede bang marinig kay tamis mong “Oo”
Sa bawat sandali ako na ang lagi nang kapiling mo

Ohhh oh…

Gandang Pilipina ay naiiba sa mundo
Natatangi ang bawat katulad mo
Pwede bang marinig kay tamis mong “Oo”
Sa bawat sandali ako na ang laging kapiling mo ohhhh…

Gandang Pilipina ay parang bituin at palaging iibigin mo
(Kay ganda ng Pilipina)