Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Morissette - Diamante Lyrics

Matagal ko nang inaasam ang tunay, totoong kumikinang na pag-ibig. Kaliwa’t kanang huwad pala ang kulay. Ng mapagsamantala nilang daigdig.

At nang sumilay ang sinag. Na parang araw ang sikat. Nagniningning, umiilaw. Walang iba kundi ikaw.

Chorus: Diamante, ang pag-ibig mo. Kampante, diyan sa piling mo. Diamante, tulad ng bituin. Brilyante, sa aking paningin. Siyang hulog ng langit. Sagot sa dalangin. Iba ka talaga. Pinakamahalaga... Sa’kin.

Kislap ng ‘yong liwanag ay... Busilak mong tinataglay. Nililok sa pagmamahal. Matibay at magtatagal.

(Repeat Chorus)

Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh (4x)

Siyang hulog ng langit. Sagot sa dalangin. Iba ka talaga. Pinakamahalaga... Sa’kin.

Matagal ko nang inaasam ang tunay. Totoong kumikinang na pag-ibig.

Jonalyn Viray - Maghihitay Ako Lyrics

Ooh...Yakapin mo ako ng mahigpit, bago ka umalis, hmm...Hawakan mo ang aking kamay. At muli mong hagkan, bago ka lumisan. Maari bang sabihing muli. Na ako lang ang 'yong mahal. At wala nang ibang hahadlang, hmm... Sa ating pagmamahalan.

Chorus 1: Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik. Nandito lang ako. Ano man ang mangyari. Baunin mo sa'yong pag-alis. Mga ligaya ng nakaraan. Maghihintay ako.

Coda: Bakit pa ba kinakailangan na ikaw ay lumisan. Upang abutin. Pangarap natin. Ako'y umaasa at nagdarasal na tayo'y muling magsasama.

CHORUS 2:
Maghihintay ako sa'yong pagbabalik. Nandito lang ako. Ano man ang mangyari. Baunin mo sa'yong pag-alis. Tibay ng damdamin at pagmamahal. Mawawala ka man. Dito sa'king tabi. 'Di ko ‘pagpapalit. Ang ating pag-ibig. Mananatiling tapat sa pangako, handang maghintay. Sa gitna ng lumbay. Maghihintay ako. Maghihintay ako. Maghihintay ako.

Yakapin mo ako ng mahigpit. Bago ka umalis.

Jolina Magdangal - Tama Lang Lyrics

‘Di mahirap, ’di mayaman. ‘Di kapangitan, ’di kagandahan.

‘Di matanda, ’di rin bata. ‘Di kumplikado, ’di ordinaryo.

Chorus: Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman. Para sa'kin ay tama lang.

Ang ’di malakas at ang ‘di mahina. Pagtatagpuin ba ng tadhana?

Di ga'nong labis, ’di ga'nong kulang. Ang ikaw at ako'y sadyang tama lang.

Chorus: Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ‘di kailanman. Tama lang na tama lang.

‘Di simula, at ’di wakas. ‘Di man ngayon, maaring bukas.

Matutupad ang 'sang pangarap. Matatanggap ang aking lahat.

Kung papalarin na maging tayo. Tunay bang umibig, handa bang mabigo? Ang mahalin mong minsan kahit ’di kailanman. Ang tayo ay tama lang. Tama lang ang tama lang.

Daryl Ong - Minamahal Pa Rin Ako Lyrics

Inaamin ko. Ako’y nagkulang sa’yo. ‘Di binigyang halaga.

Ang ‘yong damdamin. Binalewala ang lahat sa atin.

Chorus: ‘Di ko inakala na. Pagmamahal mo ay sadyang hindi nagbabago. Kahit paulit-ulit na sinasaktan, ang puso mo. Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako.

Patutunayang muli. Itatama ang pagkakamali. Nasayang na panahon. At pagkakataon. Ibabalik ko ang kahapon.

(Repeat Chorus)

Bridge: Umaasa sa pangako mo. Na kailanma’y ‘di susuko. At ‘di ka lalayo.

(Repeat Chorus)

Kahit paulit-ulit na sinasaktan ang puso mo. Ikaw ay narito, at minamahal pa rin ako.

Kyla & Kris Lawrence - Monumento Lyrics

Kyla: Ikaw ang sumisindi sa aking napupunding pangarap. Lalong tumitindi ang apoy ng pagsisikap. Ako ang pinipinta larawang sinisintang hangarin. ‘Di mo iniinda ang pahirap sa damdamin. Hulog ka ba ng langit. Tila anghel ka na walang kasing bait. Palaisipan kung bakit. Datapwat subalit. Mahiwaga nga ang pag-ibig.

Chorus: Konting bato, konting semento. ‘Di pa rin kuntento. Para ipakita ang pagmamahal sa’yo. At parang santo sa kumbento. Bidang star sa kuwento. Idol ka, taas kamay ako sa’yo. Ikaw ang dakila, syento porsyento. Hayaan mo’t ipagtatayo kita… Ng monumento.

Vamp: Mento, mento, mento. Mo-monumento. Mento, mento, mento.

Kris: Sa dami ko nang sablay at dami nang pasaway na banat. Ang dapat sa akin ay…
sa presinto na lang magpaliwanag. Buti na lang wagas kahit na ang dalas magkulang.
‘Di ka nababanas pangiti-ngiti ka lamang.

Parang nananaginip. Ayaw gumising na sa pagkakaidlip. Sobrang napapaisip. Dedma sa bad trip. Ibang klase nga ang pag-ibig (Repeat Chorus)

Bridge: Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra...

(Modulate to last Chorus)

Coda: Sa Edsa, Caloocan o Luneta. Kahit saan ipagtatayo kita… Ng monumento.

(Repeat Vamp)

KZ Tandingan & Jay-R - Laban Pa Lyrics

Verse1 (KZ): Parang wala ng pagkakaunawaan. Walang pagbigayan. Sa panahong ito, ito, ito. Parang wala ng nagmamahalan. Wala ng “ikaw”. Wala ng “tayo”. Puro na lang “ako, ako, ako”. “Gusto ko”. “Kailangan ko”. “Bigyan mo ko (ng galang)”. “Karapatan ko inapakan mo”. “Ayoko na sa’yo”. Wala ng usapan. Para bang isang bula lang. Na mawawala na bigla. Ang lahat ng pangakong binitawan. Mas madali kasi bumitaw lang. Pero...

Pre-Chorus (KZ): Sadyang mahirap iadya ang agmamahal na talagang tapat. Puwes sino may sabi madali ‘yan? Bago ka sumuko gawin mong lahat. Gawin mong lahat. Kahit ang bigat. Gawin mong lahat. Sapagkat kung hindi parin sapat. Malamang hindi mo pa nagawa.

Chorus (KZ): Laban laban pa. Laban laban pa. Laban laban pa. Hangga’t may hininga. Laban laban pa. Laban laban pa. Laban pa. Basta’t para sa pagmamahal. Dapat lumaban ka.

Verse 2 (KZ & JAY-R): Bakit wala kang hinahalagahan? Sariling kapakinabangan lang ba ang talagang nais mo? Puro sumbatan at pag-aalinlangan. Away at sigawan. Abot sa ayawan. Ayaw mo kasing mahirapan. Pero...

[Repeat Pre-Chorus (JAY-R)]

[Repeat Chorus (KZ & JAY-R)]

Bridge (JAY-R): Kahit ano pang nagawa. Kahit ilang beses pa. Magpatawad ka. Tandaan mo na ang pag-ibig ‘di lang salita. Patunayan mo yan sa lahat sa kanila. Sa kanya’t sa Kanya.

Rap (KZ): Kahit ang dami dami na nagsasabi. “Wag kang magpaka-martyr! Ano ka isang bayani?” Wag kang mabahala. Isang paalala: ‘Di mo kailangan tularan mga masamang halimbawa na yan! Mabilis magsawa. Kailan naging tama? Nakalimutan nila ata. Napawi sa ala-ala. Na para sa pagibig. Dapat handa kang magbigay: Pagpapakasakit. Malasakit. Kahit hanggang mamatay

[Repeat Chorus (KZ & JAY-R)]

KZ: Hangga’t may pag-asa pa, kahit maliit at parang hagupit ang labanan.

JAY-R: Kung mahal mo siya. Maniwala ka. Mas masakit na di mo mabalik..Ang nakaraan.

KZ: Paalam.

Juris - Bibitawan Ka Lyrics

Heto na ang hinihintay mong mga salita. Kahit anong pilit ko. Tanggap ko na. Wala ka na, wala ka na. Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana. At ang lahat ng ating mga ala-ala. Ay ala-ala na lang.

Chorus: Kaya heto na. Sasabihin ko na. Bibitawan ka. Alam kong kailangan mo nang lumaya. Kaya sasabihin ko na. Paalam na. Bibitawan ka. Mahal kita.

Ang lahat ng mga pangarap nating dal’wa. Kakalimutan na para sa’yong kaligayahan sinta. Siguro nga hindi talaga tayo tinadhana. At ang lahat ng ating mga ala-ala. Ay ala-ala na lang.

(Repeat Chorus)

Coda:
At kung mayr’on akong lugar sa puso mo. Alalahanin mong nandito lang ako. At kung walang pag-asa sa’ting dalawa. Nawa ikaw ay sumaya.
Woh~

(Repeat Chorus)

Paalam na. Bibitawan ka.
(Repeat 2x)

Mahal kita…

Barbie Almalbis - Ambon Lyrics

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang.

Chorus: Ako’y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik. Ngunit nalulunod pa rin. At nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap. Paano ba patitilain ang bagyo, kung ang gusto mo lang ay ambon? Paano na ito?

‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama. Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam. Ngunit kahit magkaharap. Dito ay bumabagyo. Ngunit diyan, umaambon lamang.

(Repeat Chorus)

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa’yo?
(Repeat Chorus)

Rivermaya - Tayo Lyrics

Sa isang gabing tulad nito
Napapadungaw sa bintanang, wala namang tanaw
Isipa'y di mapigilang lumipad
Kung pwede lang makisabay
Magpahatid sa piling mo
Ginawa ko na

Babawiin ang lahat ng binitawang salita
Makasama ka
Kahit man lang sa isang paalam

Kailan ba maririnig ang tinig mo
Tulad nung bago pa tayo?
Himbing bawat gabi
Saya tuwing umaga
May pag-asa pa kaya tayo?

Sabi nila "tahan na"
Wag raw hahanapin, kusa yan darating
Pano kung iniwan ka na?
Mababalik ba sa panahong bago ako nagkamali?
Pagbigyan sana

Babawiin ang lahat ng binitawang salita
Makasama ka
Kahit man lang sa isang paalam

Kailan ba maririnig ang tinig mo
Tulad nung bago pa tayo?
Himbing bawat gabi
Saya tuwing umaga
May pag-asa pa kaya tayo?

May pag-asa ba?

May pag-asa pa kaya?
Tayo.

The Out of Body Special - Halikan Lyrics

Sa likuran ng mga dahilan, nais lang ‘ka’y makasama
Maraming pambobolang masarap pakinggan, ‘di ka naman maniniwala
Sa panahong ito, tanging pangarap ko, ay ‘yong matutupad, kung ‘di ka lumayo
Kung may mangyari mang malabong maulit, babalikan ko’ng bawat sandali

Kay tagal nang hinihintay, kay tagal nang hinahanap
Na ika’y makatabi ngayong gabi, sino’ng magaakala
Tibok ng puso ko’y lubhang bumibilis, at ‘di mapigil ang aking panginginig
Gagawin ko ba, pipilitin kaya? Malay ko ba na yun din ang ‘yong iniisip

KORO:
Nasa’n na sila? Baka mamaya naghahalikan na [3x]
Nasa’n na sila? Nasa’n na

Sa iyo ko lang ito maibabahagi; huwag sanang isiping ligaw na damdamin
‘tong nilihim ng mundo para lang sa atin at wala nang iba
Tuwing kapiling ka, lubusan ang tuwa; ako’y lumilipad tulad ng agila
Kung ang pag-ibig ay nakaliligtas, masasagip ko sa panganib ang ‘sangkatauhan

KORO

Nagtataka na ang mga kabarkada
Nag-aalala ang ‘yong mga magulang
Kung ang yakap mo’y ‘di mauwi
‘Yong mga labi’y hahanapin kong muli
Nasa’n na

KORO

Valley of Chrome - Markang Bungo Lyrics

ANG BAWAT ARAW MO
DITO SA MUNDO
MERON BANG KAHULUGAN?
MERON BANG PUPUNTAHAN?
SA BAWAT TAKIPSILIM
SA PAGPIKIT NG IYONG MATA
SA BAWAT GABING WALANG AWA
MGA ARAW NG PANDUDUSTA

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

TIBOK NG PUSO AY MAY RASON
IKAW AY HINUBOG NG PANAHON
IKAW AY KULOG AT KIDLAT
NASUSUNOG NA SILANG LAHAT
BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
AMBAG MO'Y MARARAMDAMAN
DI KA MALILIMUTAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

ANG BUHAY NATIN AY PANANDALIAN LANG
MABILIS MAN ITO NGUNIT MAY KAHULUGAN

HINDI KA NA NAG IISA
SA LABAN NG KALULUWA
SULITIN ANG BAWAT HINGA - MARKANG BUNGO

BIGYAN NA NATIN NG RASON
ANG NOON AT NGAYON
DI NA MABABALEWALA

BINABASAG ANG BAWAT BALAKID
(HINDI KA NA NAG IISA)
KAPALARAN SA IYO AY PAPANIG
(SA LABAN NG KALULUWA)

SULITIN ANG BAWAT HINGA-MARKANG BUNGO

ABS-CBN Various Artists - Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino Lyrics

Doseng oras kumakayod para sa konteng sukli
Walang sinabi ang pagod basta may maiuwi
Katuparan sa pangako (sana di na magtagal)
Na tulad ng tinta sa daliri (tuwing may nahahalal)

Malasaki't sa isa't-isa ang magiging tulay
At ang tamang pagpili ang siyang gagabay

Sabay tayong maghahangad
Sabay nating titiyakin
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino

Kahapon ay hugot ng lakas
Mata't tenga na bukas
Karapatan mo ang armas
Paghihirap sana magwakas

Sa hindi magnanakaw
Sa hindi corrupt
Boses namin mangingibabaw
Tuloy ang aming pangarap
Sa 'di nagbubulsa, sa di nagpapasikat
Patuloy kaming umaasa sa pagbabagong nararapat
Pagmamahal sa kapwa
Respeto sa iba
Isang bubong, walang pader
Nagkakaisang pamilya
Dagat man ang pagitan
Iba't-ibang pinanggalingan
Iisang bansa sa isip salita't gawa

At hindi ipananakaw
Bagong araw yayakapin
Walang makasasapaw sa lakas ng boses natin
Ngayong araw maririnig hiyaw ng pagbabago
Sa silaw ng ating tindig dilim ay matatago

Sabay tayong maghahangad
Sabay nating titiyakin
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang, ipanalo ang
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino

Ipanalo ang Pamilyang Pilipino
Ipanalo ang Pamilyang Pilipino