Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Sam Concepcion - Di Mo Ba Alam Lyrics

Verse 1

Di mo alam
Kapag dumaraan
Nakangiti tuwang tuwa
Sayoy napapatulala
Di mo alam
Ang nararamdaman
Nililihim sayo twina
Maitatago pa ba?

Pre-Chorus

Pagtitigiltigilan na
Wala namang magagawagawa
Kung sayoy nahulog na
Kung pipigilpigilan pa
Baka naman ma pahiyahiya
Kayanin ko pa ba

Chorus

Di mo ba alam na sa gabi
Hanggang paggising
Laman ka ng panaginip
Sambit ng mga labi
Di mo ba alam
Na sa tuwing ay tinatangi
Ala ala ka palagi
Sambit ng mga labi

Nanananananana nanananananana woooh ohh
Sambit ng aking labi
Nanananananana nanananananana wooh ohh
Sambit ng aking labi

Verse 2

Di mo alam
Isang libong liham na
Nasulat at di magawang
Ni isa sayoy mapadala
Di mo alm
Nahihirapan na
Itago ang nadarama
Kakayanin ko pa ba

Repeat pre chorus
Repeat chorus

Bridge

Napapangiti wag kang tumitig
Natutunaw itong puso
Sa kilos moy napapaamo
Lungkot palang yan ang sumamo
Di makatulog paikot ikot
Buong gabi hindi makalimot
Pano panong gagawin
Panopanong gagawin

Bakit

Reapeat chorus

Gloc-9 - Payag Lyrics

Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Kung bakit, bakit pumapayag ako

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Halina sa lugar na kung saan
masaya ang lahat ng mga kawatan
At kahit di totoo ang kanyang sinasabi,
lagi siyang pinakikinggan

Walang pakialam sa salitang ilan,
kahit gaano kamahal ang pinagbilhan
At kahit na dinoktor ang lahat ng detalye,
lagi siyang napagbibigyan

Yan ang tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Sa mga kasinungalingan mo
Kahit sinabi mong ika'y magbabago
Yan lang ang pinanghahawakan ko
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Nasan na ang mga pangako mo?
Parang bula, bigla na lang naglalaho
Minsa'y parang kasalanan ko
Dahil, dahil pumapayag ako
Dahil pumapayag ako

Oras na para gumising ka
Ba't di mo subukang buksan ang iyong mga mata?
Kung ayaw nilang tumalon, ba't di ka mauna?
Sige, subukan mo lang na walang kakaba-kaba

Kung ito ang simula ng wikas
Isa-isa mong burahin ang mga bakas
Bago pa matuyo ang lahat ng katas
At tuluyang mabaliko ang lahat ng batas sa Pinas (sa Pinas)

Ano ang iyong pananaw sa lahat ng mga nangyayari sa Mindanao?
Kapit lang, kapatid, 'wag kang bibitaw
Hanggang sa apat-naput-apat na beses lumitaw
Ang katotohanan, wag labanan, tinabunan, ipaglaban
Kaawaan ang ating bayan nang malaman natin ang sagot sa

Laging tanong sa akin ng iba
Bakit ka ba naniniwala sa kanya?
Di ko alam, ganun lang talaga
Bakit? Bakit pumapayag ako?

Matatamis na mga salita
Parang latik na di niluto sa gata
Kilala mo pero ibang mukha
Bakit? Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?
Bakit pumapayag ako?

Gloc-9 featuring Monty Macalino - Sagwan Lyrics

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo

Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
Lumuwas don sa maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme ko puti na palagi madume huwag nyo na tignan inyo pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat pa lutang lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Reni sunud-sunod ang mga tip
Kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kong binhi na lulong sa bisyo at
Tumigil na sa pag-aaral palaging naka ngiti ang kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan natin ang kalan at ng malagyan ang hapagkainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako

Gloc-9 featuring KZ Tandingan - Industriya Lyrics

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

pare tignan mo sisikat din ako (di nga?)

Ito ay ang mga kaganapan sa buhay
Ng isang tao sa mundo na iba’t iba ang kulay
Ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi
Malalakas na tugtugin na nakakabingi

Pero ito ang dinasal ito ang hinagilap
Kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap
Habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili
Matulin -tuling bunutin pag natibo ka ng bote

Sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
Kahit na alam mong ang puhunan mo’y dugo at luha
Meron kang dala-dalang ‘di alam ng iba
Lamunin man ng kaba in-ensayo mo na

At hinding-hindi ka papayag na ‘di mo maabot
Kahit ulitin pa’ng iyong layag laot na mahamog
Madilim at malayo maalon na daan
Kahit na ano pa ‘yan ay kanyang lalampasan

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil dahil)
Ang mga kwento ng industriya

oy si idol! (mayabang naman yan e)

Liwanag na nakakasilaw (silaw) di mula sa araw (araw)
Palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (baw)
Sigawan ng mga tao kahit saan magpunta
Ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

Kahit ano iyong gawin ay kanilang bibilhin
Makita lang ang kinang ng iyong bituwin
Sa bilis ng pangyayari hindo mo namalayan
Bagong bahay, lote, kotse lupa’t kayamanan

Ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
Ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang
Palaging naka-akbay gusto kang sabayan
Sa daan papayongan ka kapag umuulan

Ika’y na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
Sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Sa dami ng ‘yong hawak naging bangungot ang

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil, dahil)
Ang mga kwento ng industriya

Uy kilala mo ba yun(Oo laos na yan eh)

Panahon ay dumaan naging pangilan-ilan
Ang pagsampa ng entablado nakalimutan
Ang mag awit na inawit malalakas na hiyaw
Bakanteng upunan ang nakikinig lang ay ikaw

Sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
Di Mo matanggap kasi wala ng nakaka-alala
Dumating ang tag-tuyot ng walang kamalay-malay
Malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay

No’ng sagana sa lahat madami kang kaibigan
Na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran
Iyong napag-alaman ng ika’y mapag-iwanan
Matapos ang lahat ikaw ang pinagtatawanan

Dahil na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
Ng mali ngayon alam mo na hindi ka na sikat
Ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap
Humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

Chorus:
Mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
Pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
Pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
Nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Do’n sa’min
Sisikat ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (malapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Yayaman ka
Do’n sa’min (sumama ka sa’min)
Do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
Do’n sa’min (makinig ka sa’min)
Pakinggan mo (dahil, dahil)
Ang mga kwento ng industriya

Moira Dela Torre - Malaya Lyrics

Pasensya na, kung papatuligin na muna
Ang pusong napagod kakahintay
Kaya sa natitirang segundong kayakap ka
Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa’kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban
Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
Mahirap nang labanan mga espada ng orasan
Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
Kung di pipilitin ang di pa para sa’kin
Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Eurika - Sabihin Mo Naman Lyrics

Ilang ulit pa ba akong dadaan?,
Kunyari laging may nakakalimutan
Para matanaw ka lang;

Kapag nakasalubong mo naman,
Sa gilid ng mata, ika'y tinitingnan;
Ikaw ba'y lilingon man lang.

Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita;
Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka.

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.

Pilit mang ibaling sa iba,
Lagi nang sa isip ko ay naroon ka
At nagbibigay-saya;
Makita lang kitang nakangiti,
Ang lungkot na nadarama'y napapawi;
Ganyan ka lang sana lagi.

Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita;
Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka.

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.

Sana man lang, iyong malaman
Ang lihim kong nararamdaman...

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana'y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag-asa.

Sabihin mo naman...
Kung hiling ng puso ko'y. may pag-asa...

Hmmmmm...

Sam Concepcion - Bago Lyrics

Bago mabago ang walang hangganan
Bago mapagod ang pagmamahalan

May ibang nadarama
Para bang nagbago ka
Di naman kaya ikay nasaktan

Na hindi ko nalalaman

May kabang pumipintig
Pano na ang pagibig
Kahit na ano mangyari sa'tin
Hanap ka nitong damdamin

Bago mabago ang walang hangganan
Bago mapagod ang pagmamahalan
Bago matapos pa ang kwento nating dalwa
Pwede pa bang sabihin na mahal kita?

Minsan pa dinggin mo lang
Kahit na naiilang
Aamimin ko, hindi pa handa
Kahit pa magmaka-awa

Bago mabago bago bago 4x

Aaminin ko hindi pa handa
Kahit na magmaka-awa

Happy Ending - Cosplay Lyrics

Sana ako ay may kapangyarihan
Tulad sa anime na yong nagugustuhan
Magsusuot ako ng pang superhero
Kung gusto mo katulad pa ni Naruto

Lahat ng bagay ay aking gagawin
Mapansin mo lamang ang aking pagtingin
Para sayo lahat ay kakayanin ko
Makalaban ko man pati si Ichigo

Wohohoo…

Ililigtas kita
San man tayo mapunta
Lahat ng balakid ay haharapin
Lahat ng panganib ay susuungin
Ililigtas kita
San man tayo mapunta
Lahat ng kalaban ay tatalunin
Mananatiling ligtas saking piling

Gusto mo rin palang maging superhero
Nakita ka na pang cosplay ang suot mo
Nagulat pa ko ng ako’y iyong lapitan
Parang si Rinoa ang nasa ‘king harapan

Ililigtas kita
San man tayo mapunta
Lahat ng balakid ay haharapin
Lahat ng panganib ay susuungin
Ililigtas kita
San man tayo mapunta
Lahat ng kalaban ay tatalunin
Mananatiling ligtas saking piling

Alab - Bawat Minuto Lyrics

Ang puso'y punung-puno ng kaba
Kahit na alam kong alam mo rin
Ang tunay na nadarama
Kahit na ika'y nasa malayo pa

Sana'y di mo malimutan
Ang sumapaan
Ng dalawang pusong nagmamahalan
Ngayong tayo'y nasa magkabilang
Dulo ng mundo

Kakayanin ko kaya?
Kung bawat oras bawat minuto'y
Hindi kita masisislayan
At kahit ang tinig mo'y
hindi maririnig

Ang awiting ito'y para lang sa'yo
Kaya't sana'y iyong maintindihan
Ang himig na hinahatid
Ng damdamin ko para lang sayo

Sana'y di mo malimutan
Ang sumapaan
Ng dalawang pusong nagmamahalan
Ngayong tayo'y nasa magkabilang
Dulo ng mundo

Kakayanin ko kaya?
Kung bawat oras bawat minuto'y
Hindi kita masisislayan
At kahit ang tinig mo'y
hindi maririnig

Ang iyong mga kamay
Ay pilit na aabutin
Kaya't sana'y di mo malimutan
Ang ating sumpaan

Kakayanin ko kaya?
Kung bawat oras bawat minuto'y
Hindi kita masisislayan
At kahit ang tinig mo'y
hindi maririnig

Musico - Bakit Lyrics

Naalala ko pa
Panahon na tayo'y magkasama
At ang mga oras na tayo'y nagsumpaan
Nangako sa isa't isa
Na tayo na't wala ng iba ngunit bakit biglang nag iba
Hindi inaasahan na magiging ganito ang lahat

Nasasaktan lang kita
At ngayo'y wala ka na

Bakit 'di ko nasabi?
Na "mahal wag ka ng umalis"
Kung maibabalik ko lang ang bawat sandali
Sana'y di na nangyari
Bakit 'di ko nasabi?
Na "mahal ako'y nagkamali"
Ano bang nangyari?
Pano na ang dati?
Sana lang ibalik muli ang dating pag ibig

Sa dinamirami ng pagkakataong nasayang
Ay hindi ko na mababalik pa
Kung hindi ako nagkulang 'di ka sana mawawala

At ngayo'y nandito na
Wala ng magawa

(Back to chorus)

Paano na ang bukas kung mag-isa lang din lalaban?
Mahirap isipin na hindi pala tayong dalawa

Njel de Mesa - Basta Driver, Sweet Lover Lyrics

Ako naman ang kakanta
Hindi ko na kaya ilihin ang pag-ibig natin na labag sa batas
Oo, lahat iyong dineny pero pag-ibig mo sa akin di mo ma-deny
Oo, lahat ‘yong binigay kaya aking pangako’y magsilbi buong buhay
Salamat sa bahay

Chorus:
Hindi lang isang araw
Hindi lang dalawa
Hindi tatlo o apat lang
Kung di lima
Kung di lima
Ako’y magmamaneho ng puso mong tapat
Kahit hindi na dapat
Kung dilim na
Kung dilim na

Limang araw isang linggo ako’y iyong iyo
Dahil pag sabado’t linggo day-off na ako
Limang araw isang linggo ako’y iyong iyo
Dahil pag sabado’t linggo balik sa misis ko

Doon saming probinsya may tanim akong damo
Pero ako’y hindi aamin na may binebentang bato
Oo, lahat iyong dineny pero pag-ibig mo sa akin di mo ma-deny
Oo, lahat ‘yong binigay kaya aking pangako’y magsilbi buong buhay
Salamat sa bahay

(Chorus)

Limang araw isang linggo ako’y iyong iyo
Dahil pag sabado’t linggo day-off na ako
Limang araw isang linggo ako’y iyong iyo
Dahil pag sabado’t linggo balik sa misis ko

Adik ako sa ‘yo at bawal din ito

Rayver Cruz - Bitaw Lyrics

May lungkot sa iyong mga mata
Mga luha’y biglang tumulo na
Habang sa ‘yo ay nakatitig at ika’y palakad-kalad papalapit-lapit sa akin
Sarili ko’y di mapigilan na titigan ‘yong ganadang alam ko na iyong napapansin

Nangungusap ang iyong mata
Alam kong mayrong dinadala

(Chorus)
Bumitaw!
(2x)
Sa ‘kin ay kumapit, sa ‘kin ay kumapit ka!
Di ka pinipilit
Ngunit hirit, come on hit it!
Bitaw!

Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!

Tuturuan kita na magdala
Kahit anuman, kakayanin mo ‘yan ‘to’y nasa nagdadala
Palipasin mo na lang hindi kailangang damdamin
Wag mo na lang pinapansin-pansin
Kung wala namang gumagawa at di mo kontrolado
Sa sarili ay manalamin

Sabihin mong kayang magdala
Bukas ang lahat naman ay maaaring ayos na!

(Chorus)

Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!

(Repeat Chorus)

(2x)
Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Bumitaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!
Gumalaw! Huwag pigilan!
Sumayaw! Huwag pigilan!

Bitaw!