Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Spicy Spouse - Pagbabago Daw Lyrics

Hindi mahalatang kumakanta o tumutula
Hindi ko maiwasang maobserbahan o mapuna
Sinilip ko ang tuwid na daan kung hanggang saan patungo ang pinuno lang ang may alam
Kapag halalan nagkalat ang bulaan
Parang damong kung saan-saan nagsusulputan
Kasikatan ang pinapairal ngunit ng mahalal naging mailap
Ang mahirap mas naging mahirap
Kung ano-ano pang gimik ang naiisip
Kung saan-saan sumisingit
Makakuha lang ng simpatya't mainit
Na pagtanggap ngunit wala paring tumatangkilik
Parang sasakyan na tumirik
Luma na kasi ang inyong mga hirit
Wag ng ipilit, sagot ko lang sa inyo ay sirit
Pagkatapos magpagamit buhay mo'y mananatiling gipit
Malaking kaltas ng buwis sa sweldo
Taong bayan nga ba ang nakikinabang ng lahat ng 'to
Sa telebisyon at radyo andami nyong anunsyo
Kanino bang pera ang nilulustay nyo
Parang planado, dinastiya ba ito
Bakit pati iyong anak at apo'y pinatakbo
Nag-uunahan sa trono mga ginang at ginoo
Pagod na ba kayo bakit lahat kayo'y gustong maupo

(Chorus)
Wag tayong magparaya huliin ang buwaya
Silang mga bulag bingi at puro mandaraya
Bayan ang nakataya sa mga pangakong salita
Sa inyong mga katiwalian kami'y sawang sawa
Sa tingin palang hindi na mapagkakatiwalaan
Puro salita lang ang inyong hakbang
Mga aberya sa lipunan pilit pinagtatakpan
Halata namang nangungurakot lang

May artista, sundalo, elitista, Abogado, sikat Na manlalaro, Wala naman problema Pero, gawin nyo SAna ng maayos Ang inyong
trabaho, bat Di nyo simulan Sa trapiko.
Swak sa panlasa, patok sa masa
Ngunit bakit ganon lahat tayo'y pinapaasa
May solusyon pa ba sa problema ng ating bansa
Umaasang may kaunlarang matatamasa
Palibhasa pondo ng bayan ay binubulsa
Baguhin ang sistema, sa ating sarili magsisimula ang pagbabago

(Repeat chorus)

Nakikita Ko sayong mga mata Na gusto mo ng pagbabago
Kung Hindi ka pa Rin aaksyon tiyak walang magbabago
Wag ka ng muling magpapalinlang pa sa trapo
kinabukasan ng bayan ay nasa mga kamay mo
Panahon na naman ng eleksyon
Sana ang anim na taon ay nagsilbing leksyon
Ngayon, di importante kung sino ang mamumuno
Mas mahalaga kung tayo'y nagkakaisang pilipino.

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment