Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Zikk - Ama Ina Anak Lyrics

Pagod na ako pero di makapahinga
Dahil ginagawa ko to para sa aking mag-ina
Pero ang hirap dito sa ibang bansa na mag-isa
Araw-araw paulit-ulit, walang nag-iiba
Pagkagising sa umaga ay magtatrabaho
Pagsisilbihan ang di ko kilalang mga tao
Hanggang sa gabi sa pagkayod ay abala to
Para mas malaking sahod ang maipadala ko
Pero tila ang pagsisikap ko pa din ay hindi sapat
Kase Kahit pilit kong binibigay na ang lahat
Laging malungkot ang asawa ko kapag aking kachat
At hindi na ako kinakausap ng aking anak
Ang tagal nya na akong ayaw kausapin
Sabi ng misis ko nagalit ang anak ko sa akin
Mula noong huling kaarawan nyang hindi ako nakarating
dahil kinabukasan nya ang kailangan kong unahin
Pati asawa ko tingin sa akin ay sinungaling
Kase di ko magawa na sa pinas sila'y kuhanin
Di lang nila alam minsan di na ako kumakain
Nagpapakamatay ako dito para sila ay buhayin
Pero kaya kong tiisin ang aking nadarama
Kase pag nagkasama na kami, ako'y sasaya
Madalas sa emosyon di ako nagpapadala
Nilabas ko lang ang nasa damdamin ng isang ama


Pagod na ko pero di makapahinga
Bente kwatro oras ang trabaho ng isang ina
At ang hirap mag-alaga ng bata ng mag-isa
Araw-araw paulit-ulit, walang nag-iiba
Paggising sa umaga sa kanya'y magsisilbi
Tapos ang sinasabi ko di nya pa iniintindi
Laging puyat sa paghihintay sa kanya sa gabi
Minsan iniisip ko mali ba ako ng pagpapalaki?
Sumobra ba ako o nagkulang?
Mabuti ba ako o masamang magulang?
Ginagawa ko lang naman ang aking katungkulan
Pero dulot nun sa kaligayahan ko'y kalungkutan
gusto ko na ngang pauwiin ang aking asawa
Para bantayan namin anak namin na magkasama
Pero gusto nyang bigyan kami ng buhay na masagana
Kaya nga sya nag-ibang bansa ay para maparanas
Sa aming mag-ina ang buhay nya na pinangarap
Yun nga lang wala sya pag anak namin sya'y hinahanap
At wala sya kapag kailangan ko ng kayakap
Parang sa pagbuo ng pangarap, pamilya namin ang nawawasak
Pero di ako susuko kahit nanghihina
ang pamilya ko di ko hahayaan na masira
At di ko sila kayang ipagpalit sa iba
Nilabas ko lang ang nasa damdamin ng isang ina.


Pagod na ako at hindi na makahinga
Kase masyadong mahigpit ang aking ina
Alam kong hirap syang palakihin ako na mag-isa
Pero Araw araw paulit ulit, walang nag-iiba
Paggising sa umaga, sermon na agad hanggang gabi
At pag lumalabas ako hindi sya mapakali
Minsan di ko sya maintindihan kase
Gusto nya na iwasan ko mga kaibigan ko na kakampi
At sundin sya pag sinabi nyang hindi pwede
Kadalasan yun naman ang ginagawa ko kase syempre
Ginagalang ko sya at sa kanya ako nakadepende
Pero minsan ay hindi ko mapigilan na marebelde
At maging pasaway sa aking nanay
Pero wala syang kasalanan, sya lamang ay nadadamay
Sa sama ng loob ko't pangungulila sa aking tatay
Na nagpapaalila sa mga banyaga para mabigay
Sa amin ni nanay ang magandang kinabukasan
Pero dahil dun, wala akong amang kinamulatan
Nakikita ko sa bahay ang bagay nyang pinaghirapan
Pero di ko makita sa bahay ang tatay na aking kailangan
Kaya Minsan tawag nya'y di ko tinatanggap
Kase gusto ko pag nag usap kami'y magkaharap
Pero nagpapasalamat pa din ako sa para sa lahat
Nilabas ko lang ang nasa damdamin ng isang anak

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment