Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ephrot Act - Bayang Magiliw Lyrics

Natatanaw ko pang nagpapaalam
Gumagalaw sa palad mong gumagaan
Inaagaw sayo ang syang natitirang pagibig
Ng pagbigkas na puso mo ang syang uusig
Kinukutya pagkat puno ka na ng rungis

Masasawi ka lang sa laban

Refrain:
Kung maaanod ka, kung magpapadala
Iiwas mo ang yong sagwan
Sa dagat ng karuwagan

Chorus:
Bayang magiliw, umahon ka sa putik
Kasaysaya'y iukit
Lupang hinirang, ilalabas sa ulap ang naglahong pangarap

Itatayo ko ang tulay na magdurugtong
(Pulo-pulo man ang pinaniniwalaan)
Mas malaya kung mayroong nagkukulong
Mayrong liwanag kahit tatatlo ang tala
Bughaw ang langit, pulang kulay ng awit
Ang kalayaan, isasayaw ng hangin

Masasawi ka lamang

(Repeat Refrain)
(Chorus)

(Instrumental)

(Chorus)

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment