Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Acepipes & Curse One - Lasingin Nyo Ako Lyrics

1st verse:
Gusto kong makalimot, damayan nyo muna pare.
Ang basong umiikot, tagayan nyo ng marami.
Sagot ko na yung kasunod, para masaya
Wala naman nang sakin susundo kasi wala na sya.
Hindi ko sya kinahiya o sinikreto
di kumaliwa tingin ko sa kanya derecho
di pinagpalit kahit maraming nirereto
bandang huli sya pa ang may ganang magsentimyento.
Marami nang nangyari na di akalain,
mag-iisang linggo na yata kong di makakain.
Tulungan nyo ko pare wala kong magawa,
sa higpit ng yakap ko sya na mismo kumawala.
Pagkabigo ang sa pagkatao ko lumamon,
ang hirap manalo lalo't puso na ang humamon,
magpapakalunod nalang sa alak pag umalon,
kasi parang ayoko ng bumangon magmula non.

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

2nd verse:
Kanino na ba? ang tagal naman ng ikot,
nakakarami na hindi ko pa rin sya malimot.
Mali man na sa pag-ibig nya maghabol
gisingin nyo ko please panaginip lang to tol.
Di ko na check na ex
na pala ko di ko nagets,
sa oras na ito kami dapat ang magkatxt.
Kung maibabalik lang halik nyang matamis,
ay susulitin ko na mamatay man ako peks.
Kung ano man ang meron ako pilit na pinagkasya,
sa ang pinaka wala kong ibang pinantasya,
mga gusot namin ay aking pinaplantsa,
kahit ang dating nagmahal sakin di na nga sya.
Pagkabigo ang sa pagkatao lumamon,
ang hirap manalo lalo't puso na ang humamon,
magpapakalunod nalang sa alak pag umalon,
kasi parang ayoko ko nang bumangon mag mula non..

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

3rd verse:
Tagay dito tagay dyan parang nakakatamad,
ito ang sukli matapos bigay sa kanya lahat,
magpapakasawa tayo sa alak sapagkat,
pagbumalik sya sakin pre di na tayo shoshot.
Nangako syang kami hanggang buhok ay pumuti,
ngayong wala na sya parang ayokong umuwi,
naging tapat naman subalit ito ang sukli
akala ko sa kanya ay di na mabibigo muli..
Taasan nyo pa pare gusto ko nahihilo ko,
ayoko ng pangpaantok gusto ko lasingin nyo ko,
penge ng isang marlboro, ako'y hihithit ng todo
sya ang pinaka gusto ko muling umibig ayoko..
Kung may magpayong talikuran sya di ko susunurin
umaasang singsing namin muli nyang susuotin,
nananaginip ng gising habang nagpapakalasing
naghihintay ng himala na muli nyang susunduin..

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment