Bakit ang buhay ay mayroong hangganan
Kahit pilitin mang pigilan may katapusan
Nais sanang malaman kung bakit at saan
Ako dadalhin ng hangin ang sagot hindi ko alam
Magagandang pangyayari
Sa aking buhay ay naaalala
Tawa na masaya sa aking diwa
Ay sariwa pa
Pagmamahal ko sa'yo
Hinding-hindi ko malilimutan
Pagmamahal ko sa'yo
Hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
Ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
Ang iyong mumunting tinig na
Hindi mo mapapawi sa aking pandinig
La la la la la la la…
Pasasaan pa't pagdating ng araw na tayo'y magkakawalay
Huwag kang mag-alala o aking mahal
Sapagkat baon ko ang iyong pagmamahal
Ating masasayang pinagsamahan
Kasama sa landas na pupuntahan
Lungkot at luha pansamatalang mawawala
Sapagkat ika'y muling makikita
Pagmamahal sa'yo
Hinding-hindi ko malilimutan
Pagmamahal ko sa'yo
Hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
Ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
Ang iyong mumunting tinig na
Hindi mo mapapawi sa aking pandinig
La la la la la la la…
Pagmamahal ko sa'yo
Hinding-hindi ko malilimutan
Pagmamahal ko sa'yo
Hinding-hindi magwawakas dito sa mundo
Ikaw lang ang tanging nakaukit sa isip ko
Ang iyong mumunting tinig na
Hindi mo mapapawi sa aking pandinig
Ikaw lang ang pag-ibig
Home »
Dapithapon
,
Dapithapon by KZ Tandingan
,
Dapithapon Lyrics
,
KZ Tandingan
,
Latest OPM Songs
,
OPM Songs
» KZ Tandingan - Dapithapon Lyrics
KZ Tandingan - Dapithapon Lyrics
Posted by OPM Songs
Posted on 9:24:00 PM
with No comments
If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.
0 comments:
Post a Comment