Pinoy Radio Here:

Support OPM

OPL Archive

Home » , , , , , , » Chocolate Factory ft. Sinio - Pag-Asa Lyrics

Chocolate Factory ft. Sinio - Pag-Asa Lyrics

Laman ng isipan
Nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan
Pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay
Ngayon nahihirapan sa’yong biglang paglisan

Gabi-gabing nangungulila
Araw-araw ay lumuluha

Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako’y nandito lang
Kahit na ako’y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sayo sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta
Maghihintay pa rin lahat ay gagawin

Laging inaasahan
Sa paglipas ng araw ika’y muling matatanaw
Halik at mga yakap mo ang hinahanap hanap
Hangganan ng pag-asa’y aking pinapangarap

Gabi-gabing nangungulila
Araw-araw ay lumuluha

Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako’y nandito lang
Kahit na ako’y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sayo sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta
Maghihintay pa rin lahat ay gagawin

Oo masakit ang umasa sa wala
Pero para sakin mas masakit kung tuluyan ka nang mawawala
Pagkat magmula ng mawala ka sa sarili parang nawala na
Gustuhin ko man na magwala alam kong wala ng magagawa pa
Tiwalang pinagkatiwala mo sakin ay nawala na
Nauwi sa wala magmula ng nawalan ka ng gana
Tila ba balewala na ang lahat ng kumawala ka
Pero sa gitna ng kawalan ay di nawalan ng pag-asa
Na magsasama pa tayong muli, tayo uli sana di pa huli
Na maituwid ang aking mali, na maibalik ang dating ngiti
Ng labi mo yan ang nais ko, patawad kung sa tingin mo’y labis to
Pero wala na kong iba pang ginusto ng husto bukod sa iyo
Anu man ang sabihin nila kahit mukha ng tanga
Alam mong nag-iisa ka, di ka dapat mag-alala, di na to mag-iiba pa
Ikaw ang laman, ikaw lang naman, lagi mo yang tatandaan
Handang patunayan tunay na pag-ibig kahit kung muling pagbibigyan

Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako’y nandito lang
Kahit na ako’y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sayo sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta
Maghihintay pa rin lahat ay gagawin

Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko sinta
Maghihintay pa rin lahat ay gagawin

Ohhh… woahhh… yeah…

Ikaw ang laman, ikaw lang naman
Ikaw ang laman, lagi mong tatandaan
Ikaw ang laman, di na pakakawalan
Ikaw ang laman, pangako ko sayo yan
Ikaw ang laman, di ka mapapalitan
Ikaw ang laman, sanay lagi kang nandyan
Ikaw ang laman, kahit na nasan ka man
Ikaw lamang…

If you want to receive the latest update of OPM Lyrics, put your e-mail below.

Enter your email address:

0 comments:

Post a Comment