Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Abaddon ft. Acepipes & Yuridope - Mapapamura Ka Na Lang (Music Video)


Mapapamura Ka Na Lang
Abaddon Ft. Acepipes & Yuridope
Produced, Mixed & Mastered By: Michael "Cursebox" Negapatan
Lyrics By: Venzon "Abaddon' Malubay, Kenneth "Acepipes" Garcia & Elvin "Yuridope" Santos

Music Video Producer: Venzon Malubay for Thugszilla Production with cooperation of Wilson & Michelle Zamora for B.MIC Lifestyle Clothing
Directed & Edited By: Red EspeƱa of Frame Up MNL & Alon Creatives

Acepipes - Loonie Lyrics

kamusta ka na idol? anong balita?
panahong di ka nakita isa na ko sa nanghina
daming nakaabang sa kanta mong bago nakapila
kantang tao lang na tila nasa radyo lang kanina
makata na inidolo noon hanggang ngayon
walang banat na patapon panis lahat ng naghamon
tyak na makakasabay pa sa dadaan pang panahon
abang lang sa paglabas ng mga barang nasa kahon
rapper na astig talagang hanep sa pantig
kahit nacancel man ang trip dala ang talent pagtawid
sadyang marami ang sabik muling bumattle ka sa flip
acapella man o may beat tiyak na grabe pagbalik

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

sana paglabas mo dyan ay maglabas ka na agad
malupit na sulat at may maangas na pamagat
nanatiling may respeto mataas man at angat
malayo man ang narating sadyang patas ka sa lahat
salamat sa mga awiting may kabuluhan
dahil sayo natutong sumulat ng may katuturan
magagandang kahulugan may aral ang kabuuan
di tulad ng ibang kanta na puro lang kaululan
kaya sir loonie ikaw ang idol ko pagkat
plakado ang lahat kahit pasample lang magrap
mapa lovesong at mapa trap mapa hardcore ay alamat
marami na kong nakuha di man mapaarbor ng cap

nangingibabaw yung mga kantang walang laman
tapos naghahariharian yung walang karapatan
makarinig ng bago mo ay talagang natatakam
isa lang ako sa mga taga hangang nag-aabang

bawat bagsak mo pinag-aralan ang tula mo
naging pulido tila parang mga tugma ko
kahit na madalas na hinaharang nakapunta ko
sa puntong ikaw lang ang pinangarap maka collabo
sa kakaaral ko natuto na ko kaya halos
lahat ng isulat natutugma ko ng maayos
sa kakaisip at katutula ko nakagapos
sa isang awitin na natutuwa kong makatapos
rapper na mahusay dami nang patunay
sa bara lang nilalabas ang pangil tsaka sungay
butong itinanim wala sa lalim ng nahukay
ang tunay na kulay ay nasa battle mo sa buhay
bumuo sa pagiging ako yung obra mo
kung susukatin mo ang paghanga ko sosobra to
ikaw ang tunay na hari na sayo suporta ko
nag aabang sa pagbalik mo suot ang korona mo

Acepipes - Loonie (Lyric Video)


Song Title: LOONIE
Artist: Acepipes
Instrumental Produced by: 13th Beatz Exclusive
Recorded at: Platoon13Muzik
Arraged by: John Edmar Dela Cruz

Acepipes ft. Curse One - Kapit Bahay Lang Kita Part 2 (Official Lyric Video)


Martial camp records Entertainment & Vidsbydrei presents
KAPIT BAHAY LANG KITA PT2 by Acepipes and Curse One

Produced by Mcnaszty
Instrumental Arrange by ThirteenthBeatz
Audio Mastered by Mcnaszty
Recording Studio @ Martial Camp Records Ent ©

Acepipes & Curse One - Lasingin Nyo Ako Lyrics

1st verse:
Gusto kong makalimot, damayan nyo muna pare.
Ang basong umiikot, tagayan nyo ng marami.
Sagot ko na yung kasunod, para masaya
Wala naman nang sakin susundo kasi wala na sya.
Hindi ko sya kinahiya o sinikreto
di kumaliwa tingin ko sa kanya derecho
di pinagpalit kahit maraming nirereto
bandang huli sya pa ang may ganang magsentimyento.
Marami nang nangyari na di akalain,
mag-iisang linggo na yata kong di makakain.
Tulungan nyo ko pare wala kong magawa,
sa higpit ng yakap ko sya na mismo kumawala.
Pagkabigo ang sa pagkatao ko lumamon,
ang hirap manalo lalo't puso na ang humamon,
magpapakalunod nalang sa alak pag umalon,
kasi parang ayoko ng bumangon magmula non.

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

2nd verse:
Kanino na ba? ang tagal naman ng ikot,
nakakarami na hindi ko pa rin sya malimot.
Mali man na sa pag-ibig nya maghabol
gisingin nyo ko please panaginip lang to tol.
Di ko na check na ex
na pala ko di ko nagets,
sa oras na ito kami dapat ang magkatxt.
Kung maibabalik lang halik nyang matamis,
ay susulitin ko na mamatay man ako peks.
Kung ano man ang meron ako pilit na pinagkasya,
sa ang pinaka wala kong ibang pinantasya,
mga gusot namin ay aking pinaplantsa,
kahit ang dating nagmahal sakin di na nga sya.
Pagkabigo ang sa pagkatao lumamon,
ang hirap manalo lalo't puso na ang humamon,
magpapakalunod nalang sa alak pag umalon,
kasi parang ayoko ko nang bumangon mag mula non..

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

3rd verse:
Tagay dito tagay dyan parang nakakatamad,
ito ang sukli matapos bigay sa kanya lahat,
magpapakasawa tayo sa alak sapagkat,
pagbumalik sya sakin pre di na tayo shoshot.
Nangako syang kami hanggang buhok ay pumuti,
ngayong wala na sya parang ayokong umuwi,
naging tapat naman subalit ito ang sukli
akala ko sa kanya ay di na mabibigo muli..
Taasan nyo pa pare gusto ko nahihilo ko,
ayoko ng pangpaantok gusto ko lasingin nyo ko,
penge ng isang marlboro, ako'y hihithit ng todo
sya ang pinaka gusto ko muling umibig ayoko..
Kung may magpayong talikuran sya di ko susunurin
umaasang singsing namin muli nyang susuotin,
nananaginip ng gising habang nagpapakalasing
naghihintay ng himala na muli nyang susunduin..

Chorus:
Kasing pait mo man ang alak na to..
Handang lunukin lahat maging pasakit mo..
Nalalasing sayong lambing,
Di na makatayo sa taimtim..
Na awit na tulad nito.
Tulad nito.
Pakibilis naman ng tagay nyo..
Lasingin nyo ako..

Curse One, Mcnaszty & Acepipes - Baka Sakali Lang Naman Lyrics

Ako'y hindi matahimik sakin nararamdaman
patuloy lang umaasang marinig mo na sana
kung ako'y pag bibigyan ...

nag babakasakali sa pag ibig mo
ano man ang mangyare mamahalin kita

hinding hindi kita susukan,
kahit na lagi nang nasasaktan kaya ako sayo'y
nag babakasali lang

1st Verse:

pinapadampi sa hangin ang himig upang hindi ka mabigla
sa mga nais kong sabihin sayo labis na pagibig lang ang pinapahiwatig nitong mga salita
na mula sa puso ko ng puro, walang halong kahit na ano
sa araw araw na pag gising ko, sa isip ko, at tinig ko
ikaw lang at ako
madalas mang napagtatawanan ng mga kaibigan ko
dahil imposible daw
makamit ka, mahagkan ka, at payagan mo akong mahalin ang isang ikaw
na pinapangarap ko ng kay tagal na
masisisi mo ba kong talagang mahal ka
laging dasal na dumating ang takdang panahon na
makasama at makapiling kita baka sakali lang

Chorus:

alam kong imposible, pero nagpupursige parin ako
para sayo, ako ma'y magmukang tanga
kahit na mahirapan pa
mahal kasi kita, hahayaan mo din akong ibigin ka
baka sakali lang naman

2nd Verse:

Bakit di mapalagay, Gustong hakawan ang kamay
at sabihin sayo ang tunay na naramdaman
nung nakasama ka kaso biglang nakaayaan

umuwi, sandali wag naman mag madali,
may gusto lang akong sabihin, sanay makatawid
ang aking damdamin papunta sayo ..

papunta sa langit sa piling mo ..

pero bakit tila imposible yata na mangyare
ang hinahangad kong pag ibig mo hindi ko maware
dahil sayo ay lagi nalang nagbabaka sakali
madamang para sayo akoy nandito lang palagi

sa panaginip ka nalang ba
makakasama nang walang hanggan
sinta

kahit na..


Chorus:

alam kong imposible, pero nagpupursige parin ako
para sayo, ako ma'y magmukang tanga
kahit na mahirapan pa
mahal kasi kita, hahayaan mo din akong ibigin ka
baka sakali lang naman

3rd Verse:

Alam ko na ako yung tipo ng tipo na di mo tipo,
kase tipo mo ay tipong may tipo na di ko tipo.
o diba ang gulo yan lang naman mali ko dito
umaasa na balang araw ikay mapangiti ko..

Ganun ba talaga wala bang mas sisimple pa,
panay bakasakali kahit imposible na,
ikaw kasi ang gusto ko mahirap nang iisplika,
habang dinededma mo lalong naiinspira..

Gusto kitang bigyan ng tsokolate sabay
patatawanin ka kahit na joke ko lagi sablay,
bulaklak na sa kamay mo gustong mailagay,
sabi nila imposible ayokong makisakay..

Binibining nanataling panaginip lang sa kama,
makapiling kana sana pagkagising makasama,
mainipin pero di ibigsabihin na wala na,
ang ibigin hahanapin ang katiting na pag.asa.