Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Ex Battalion ft. Ai Ai Delas Alas - Bagong Simula Lyrics

Oh, oh
Oh, oh

Kalimutan ang nakaraan
At ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan
Lahat ‘yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit pang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Nakakapagod nang lumaban, minsan gusto kong takasan
Ang madaya na mundong mapaglaro
Lumipat kung saan pupwedeng ilabas ang tunay na ako
Nang walang pangamba at takot na baka ‘ko mabigo
O baka biglang magkamali ako, madapa ulit
Pero mas naisip ko na tumayo ulit
Pag-igihin ang sarili kong magsimula ulit
‘Di na takot, tatawa na’t ilalabas na ang kulit
Sa bagong pahina, tapos na ’kong magpahinga
Handa na ’kong magsimula
‘Di na takot mapahiya
Hatakin man ng tadhana pabalik sa umpisa
Taas-noong lalakad papunta sa bagong simula

Kalimutan ang nakaraan
At ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan
Lahat ‘yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit pang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Ganyan talaga ang buhay, ‘di ka pwedeng umasa sa himala
Kailangan mong matutong kusang tumayo kapag ikaw ay nadapa
Sabay kalimutan ang nakaraan, yeah
‘Wag kang mahiya
Dahil walang masama kung gusto mo yeah
Ulit na magsimula
Sarili mo lang ang kalaban mo sa buhay mo
Kapag nadapa, ikaw lang din magtatayo sa ’yo
Easyhan mo lang para hindi ka na nalilito
Dapat ay isipin mong lahat ay kakayanin mo

Kalimutan ang nakaraan
At ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan
Lahat ‘yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit pang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Parang imposible na mabago ang lahat pero posible
Magsimula ulit sa simple
Yeah, gano’n lang kasimple
Kasi nga ito ang aking simula para aking maiba ang aking nakaraan
Dapat dito ay pinaghahandaan para ako’y makabangon at ‘di na mabalikan
Ang mga araw na may sugat na malalim at mababaw
Na babago ‘to sa akin balang araw
Kasiyahan ko naman ang umaapaw

Kalimutan ang nakaraan
At ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan
Lahat ‘yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit pang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Kalimutan ang nakaraan
At ako’y babalik sa umpisa
Mga pangit na napagdaanan
Lahat ‘yon ay itatapon ko na
Kailangan kong bumangon kahit paulit-ulit pang nadapa
Kaya ngayon ay kakayanin ko nang muling magsimula

Ex Battalion ft. Ai Ai Delas Alas - Bagong Simula (Official Music Video)


Bagong Simula - Ex Battalion feat. Ai Ai Delas Alas | S.O.N.S Movie OST [Official Music Video]

Catch the movie on May 1, 2019 at your favorite cinemas!

“Bagong Simula” featuring Ai Ai Delas Alas
Composed by Daryl Borja Ruiz, Jon Gutuirrez, Rhenn Mangabang & Mark Maglasang
Published by Viva Music Publishing, Inc.

Ai Ai Delas Alas ft. Ex Battalion - Walang Pinipili Lyrics

Yeahhh
ExB
Yeahhh

Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Ai Ai Ai, Ai Ai Ai
Ang pag-ibig daw, ang pag-ibig daw

Gusto ko ikaw ang s’yang kasama ko ikaw ang hinahanap ko
At ang napili kong mundo ikaw
Gusto ko ikaw ang niyayakap ko ikaw ang ninanais ko
At ang pinapangarap ko ikaw… ikaw

Ikaw ang gustong makasama
Wala ng iba kahit na sabihin man
Hindi tayo bagay sa isa’t isa
Ang puso nagtuturo kung pa’no, kung bakit nga ban a minamahal

Gusto ko ikaw ang s’yang kasama ko ikaw ang hinahanap ko
At ang napili kong mundo ikaw
Gusto ko ikaw ang niyayakap ko ikaw ang ninanais ko
At ang pinapangarap ko ikaw… ikaw

Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw
Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw

Napapalingon bawat lahat makasalubong
Malamang lahat sila’y nagtataka siguro
Sabihin man nila na tayo ay iba sa relasyon na uso
Basta’t ang alam ko ay walang edad ang puso
At kahit pa na anong isipin nila
Tungkol sa ating dalawa ay wag kang mag-alala
Wag na tayong makinig sa sinasabi nila
Dahil nagmamahalan tayo yun ang mahalaga

Hindi ko naman pinangarap ‘to kahit sa panaginip
Pero sayo uminit nung anghang hindi umihip
Walang magagawa ang mga tao sa paligid
Dahil tao lang tayo mga alipin ng pag-ibig
Kahit madalas tayong bina-bash
Di ako mahihiya na samahan ka sa labas
At maisisigaw ko pa lalo ng malakas
Alam naman natin na di to kasalanan sa taas

Kaya siguro tayo ay nagkasundo
Ikaw ang turo ng puso ko at ng…

Gusto ko ikaw ang s’yang kasama ko ikaw ang hinahanap ko
At ang napili kong mundo ikaw
Gusto ko ikaw ang niyayakap ko ikaw ang ninanais ko
At ang pinapangarap ko ikaw… ikaw

Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw
Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw

Walang lovelife kasi yang mga yan
Kaya siguro nila tayo tinatawanan
La akong pakialam malamang talagang
Di ako mahihiya kahit saan ka samahan
Wag mong silipin mga nasa paligid
Lalo na kapag ako ang kasama mo
Kahit di ko aminin ang ay ang sarap sa feelings
Na ikaw na pala ang magiging asawa ko
Kahit marami mang badgirls ang nakapalibot
Ay hinding hindi tayo magpapatalo
Kasi kahit man mundo ay bumaliktad ng ikot
Pag-ibig pa rin natin ang mananalo

Kaya siguro tayo ay nagkasundo
Ikaw ang turo ng puso ko at ng…

Gusto ko ikaw ang s’yang kasama ko ikaw ang hinahanap ko
At ang napili kong mundo ikaw
Gusto ko ikaw ang niyayakap ko ikaw ang ninanais ko
At ang pinapangarap ko ikaw… ikaw

Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw
Ang pag-ibig daw Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Walang pinipili Ai Ai Ai
Kaya ikaw… ikaw