Pinoy Radio Here:

Support OPM

OPL Archive

Kian Dionisio - Ako Na Lang Ulit Lyrics

Akala ko kasi kailangan natin to
Ang mag-isip-isip habang tayo’y magkalayo
Ngunit hindi man lang naisip at di naintindihan
Na mas maayos ang lahat nung ikaw ay nariyan

Kaya ngayo’y nagsisisi sa bawat nasambit
At hiling sa maykapal sana ikaw ay magbalik
Ngunit mayroon na ngang ibang laman ang puso mo
Ngunit sana ay bigyan ng oras para masabi ko
Baka pwedeng…

Ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Kaya’t sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit

Bawat luhang pumatak ay hindi ko ginusto
Akala ko’y makakabuti pa ang aking paglayo
Ngunit hirap gumising sa umagang di ka kaharap
At tingnan ang bukas ko na di ikaw ang kayakap
Baka pwedeng…

Ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Kaya’t sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit

Ngunit kung mayroon ka nang ibang mahal
Ay hahayaan na kita na lumigaya sa kanya
Ngunit kung may natitirang pagmamahal
Ay wag mo sanang pipigilan
Bat di muling subukan

Baka pwedeng ako na lang ulit, ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit, wag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo’y mapilit
Dahil ikaw lang talaga at wala ng iba
Di ka na mag-iisa, di ka na luluha pa
Kaya’t sige nab aka pwede pa
Ako na lang ulit

Ako na lang ulit…