Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Frooz N Elbiz - Ano? Lyrics

Magmula ng ako’y nagkamalay
Sa tunay na daigdig kung saan ako nabuhay
Magpasa-hanggang ngayon ako’y di pa nasanay
Sa samu’t saring teoryang wala pa ring patunay
Tulad na lang ng sabi ni Charles Darwin
Na mga unggoy daw ang pinanggalingan natin
Sino ba naman sa’tin ang matutuwa?
Pano na yung ibang taong ibang hayop ang kamukha!
At ang mga alien sila ba’y kathang isip
Yung mga nakikita mong di mo kilala sa’yong panaginip
Di mo lang napupuna ang mga taong misteryoso
Nerbiyoso ang labas mo pag masyadong sineryoso
Kaya nararapat lamang na lahat malinawagan
At ang mga haka-haka wag agad paniwalaan
Kaya kung ako sayo ay pag-isipan mo ng husto
Ako kaya? Ano kaya? Ano kaya ang mangyayari sa mundo?

Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo oh woah
(Ang dami ng nangyari)
Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo o o…
(Ano pa ba ang mangyari)

O tayo nga ba’y nanggaling sa usok o sa tadyang in Adan
Katotohanan parang sadyang di alam
Tila ilan lang ang may kaalaman
Ng mga kaganapan at mga paksang di naman
Dapat isyu at inuusisa para sakin par
Katulad ng nakasulat daw sa Mayan Calendar
Paggunaw ng mundo binigyan ng prediksyon
Nagbago isip ng author nagkaro’n ng ekstensyon
Sa karagatan may mga islang nag-uusbungan
Mga bagong specie na biglang nagsusulputan
Ako’y nagtatanong bat ba nagkakaganon?
Ibang Pepe na kilala ng mga bata ngayon
Ang labas sa kasaysayan tayo’y nagka-amnesia
Impluwensya ba ng teknolohiya at ng media
Kaya sa utak ko kuro-kuro’y nabubuo
O ano, o ano, ano nga ba ang totoo?

Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo oh woah
(Ang dami ng nangyari)
Ano? Ano? Ano?
Ang mangyayari sa mundo woah
Di ko malaman kung ano ang totoo o o…
(Ano pa ba ang mangyari)

Hiwaga, misteryo, mga propesiya
Planeta, bituin at teknolohiya
Sphynx, pyramid thru ancient times
UFO, Anunnaki, mga alien signs
Mga pangyayaring di nga ba maipaliwanag
O sadyang tinatago lang ng katotohanan
Ano nga ba o paano ay di mo mabubuko
Pagkat nasa kamay mo kung ano ang totoo

Jona - Ano Bakit Paano Lyrics

Naitanong mo na ba
Sa iyong sarili?
Kung sino ka na ngayon
Nasumpungan mo na bang
Alamin kung bakit
Nandito ka, pumipintig ang puso

Napupuna mo na ba?
Na nakapagtatakang
Minsay sadyang napakahirap
Naranasan mo na bang
Magtanong, maghanap
Kung bakit anong dahilan
Ng lahat ng ito.

Ano, bakit, paano
Kailan, saan at gaano
Kung di mabatid ng isip mo
Panahon na magsasabi sayo
Kung ano, bakit, paano

Nais mo bang mabatid?
Manalangin at maunawaan,
Ang gumugulo palagi
Makikita mo darating ang mga kasagutan.

Sa ano, bakit, paano
Kailan, saan at gaano
Kung di mabatid ng isip mo
Panahon na magsasabi sayo
Kung ano, bakit

Asahang may liwanag sa dilim
Bawat pintig ng puso ay damhin

Ano, bakit, paano
Kailan, saan at gaano
Kung di mabatid ng isip mo
Panahon na magsasabi sayo
Kung ano, bakit, paano

Ano, bakit, paano?