Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Flict-G ft. Lirico - Inosentensya Lyrics

Kahit 'di ako
Kahit 'di ako
Ay kasalanan ko
'Di naman po ako ganong kabuting tao, pero ma'am, 'di naman ako ganon kasama
Para gawin ko yung binibintang nila, eh wala naman po kaming pera pampyansa, kaya nagtitiis nalang po ako dito sa loob ma'am, 'di ko nga po alam kung kailan gugulong kaso ko eh.

Kahit anong patak ng luha buhusan man ng aking dugo ang bagay na to'y 'di ko mapatay
Ang apoy ng aking kaso na tuloy sa pag-alab na buong buhay ko na ang tinangay
Dami kong naiwan na ari-arian trabaho asawa at aking mga inakay
Nakakulong sa selda tumitibok ang puso ngunit para na rin nila 'kong pinatay
Di naman ako ang gumawa non
Nagkataon lang naman akoy nandon
Mahirap lang kami dumidiskarte lang kasi
Ang anak ko na maliit walang pambaon
Wala 'kong pambayad ng abogado
Wag mo naman pong dagdagan ang kaso
Kung mayaman lang ako baka hayaan mo na 'to
Baka kayo pa ang magkaron ng atraso

Kung muka 'kong kriminal
Kung muka akong gumagamit ng bato
Kung muka 'kong adik
Kung muka akong masama sa harap niyo
Kahit 'di ako
Kahit 'di ako
Ay kasalanan ko


Sabi nila ang hustisya daw ay para lang sa makapangyarihang tao dito sa mundo
Nung una ayaw akong maniwala pero ngayon nakita ko na kung ano ba ang totoo
Maliwanag dito sa loob ngunit ang karamihan ay 'di mapigilan paring mangapa
Kung makalaya man ako wala namang magbabayad ng mga araw at taon na aking nawala
Minsan di pantay ang kapalaran
Dahil sa pera nila na tangan
Pera dapat umiikot pero bakit nga ba pera na nagpapaikot satin kadalasan
Penge daw lagay yung nasa sa taas
Mahirap iusad kung walang padulas
Batas dapat ang nagpapaikot ng pera pero bakit pera na ang nagpapaikot sa batas

Kung muka 'kong kriminal
Kung muka akong gumagamit ng bato
Kung muka 'kong adik
Kung muka akong masama sa harap niyo
Kahit 'di ako
Kahit 'di ako
Ay kasalanan ko

May pangalan kang dala pero 'di ka nila kilala
Masakit ka sa mata ang katapat mo lang ay bala
Palamuti lang ang papel ng pobre lalo dun sa korte
Pampaganda ng eksena ang hustisya nasa tseke
Sampung taon at kalahati sa piitan ang sintensiya
Matapos nilang itanim sa'king bulsa ang ebidensiya
Pwede daw akong magpiyansa sa halagang nobenta mil
Sa tulad kong dukha imposible ganong kataas na bill
Kahit ako'y walang sala mapalaya ang request
Pitong buwan na ang nabuno hindi pa 'ko ini-inquest
Tagal lumakad ng papel ibang papel gustong ilakad
Nung wala kong pangbigay ang taon ko ang ibinayad
Panahon na ng Marcos pero hinihingi mo Ninoy
Isa lang amoy ng hininga nila pera ang simoy
Kung ako'y makakalaya wala nang naghihintay
Na magandang bukas paglabas dahil inyo nang pinatay.

Kung muka 'kong kriminal
Kung muka akong gumagamit ng bato
Kung muka 'kong adik
Kung muka akong masama sa harap niyo
Kahit 'di ako
Kahit 'di ako
Ay kasalanan ko

Flict-G ft. Lirico - Inosentensya (Official Audio)


Music Produced by: Carlitos Del Rosario
Mixed & Mastered by: Flict-G
Executively produced, Post Production, mixed and mastered at:
Repablikan Records Shockra Productions

Paul Michael x Flict-G - Limutin Ang Problema (Official Music Video)


Performed by Paul Michael, Flict-G
Composed by Paul Michael Almadin, Adrian Brando Rañeses
Rap Written by Raymond Rivera
Produced by Brando Rañeses
Mixed and Mastered by Brando Rañeses
Song Art by Brando Rañeses
Music Video by: Brando Rañeses
© 2023 FlipMusic Productions, Inc.
℗ 2023 FlipMusic Records

JohnVic ft. Flict-G, Dello - Linta (Official Music Video)


LINTA - JohnVic Feat. Flict-G , Dello ( OFFICIAL MUSIC VIDEO )

DELTA BEATS
Covered Art, Mix mastered ,Video Edited, & Directed : Wendell Gatmaitan.

Flict-G ft. KJah & Kial - 7 (Official Music Video)


Music Produced by: Carlitos Del Rosario
Mixed & Mastered by: Flict-G
Performed by:
Flict-G
KJah
Kial

Producer: Flict-G
Director of Photography: Mac Macalino
Creative Director: Arthreo Onoya
Studio by: BLCKMRKT
Video Edited by: Project Mega (Mega Bros.)

Flict-G ft. Smugglaz, A$tro, Hakob & Skant Vee - Bawal Sumuko Dito (Official Music Video)


Producer: Raymond Rivera
Instrumental Music Producer: Cursebox
Scratch/Beatbox: Jehu & MouthFX(Microphone Mechanics)
Performers: Flict G, Smugglaz, Skant Vee, Hakob, A$tro & Microphone Mechanics.
Mixed & Mastered: Repablikan Records Shockra Productions.

Executive Producer: Sony Music Philippines
General Manager - Roslyn Pineda
Deputy General Manager - Maan Atienza
A&R and Artist Management Director - Raymond Fabul
A&R Associate - Cholo Sediaren
Artist Strategy Managers - Valine Aquino, Raiza Bunagan
Social Media Manager - Janyn Berame

Flict-G - Aking Lahi (Official Music Video)


Ito'y alay ko sa lahat ng Pilipino upang tayo'y magkaisa lalo sa panahong maraming hinaharap na problema ang ating Inang Bayan! - Flict-G

Flict-G - Aking Lahi (14 Dialect Song)


Produced by Flict-G
Instrumental Produced by Cursebox
Background Vocals by Bei Wenceslao

Big thanks to all the translators:

Ilocano - Patrick Vidal
Igorot(Ibaloi) - Greyson Ville
Pangasinan - Freaky Rap
Kapampangan. Arvee "M1" Belonio
Bicol - Mikidee of FlipTop Battle League
Waray - Ronmark Labasano
Bisaya - Hizuka Zato of FlipTop Battle League
Hiligaynon. - Tuglaks RapTube
Maranao - Slmn K Mambuay of E.K. Finest
Maguindanao - Asnawe Baraguir Mawe
Tausug/Chavacano - AJ Shinoda
Yakan. - Abu of Rapzutra

Intro - Speech by Honorable President Jose P. Laurel at the celebration of first Philippine Republic
(Via Creative Commons Attribution license) of MIKAELLISE's Channel and big thanks also to "Jose P. Laurel Memorial Foundation, Inc." Youtube Channel.

Flict-G & Bei - Ikaw (Official Music Video)


Flict-G & Bei - Ikaw (Official Music Video)

Flict G strips love down to it's very core in his latest track "IKAW" (English translation: YOU). The track serves as a sweet ode to all of the love that one person embodies and how that person can mean the whole world to another. Flict showcases a more vulnerable, romantic side in this track, as he delivers poetic lines, backed by an acoustic arrangement that sets the romantic tone even further.

Dionela, Flict-G, & Dello - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Music Video


Credits:
Director: Justin Villanueva
DOP: Andrew Son
Editors: Jem Vergara and Nico Araneta
Talent: Cerise Concepcion

Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines Composers: Tim Dionela, Dello, Flict-G Music Producers: Timothy Run, Brian Lotho Sonic State Audio

Flict-G - Sariling Mundo (Official Lyric Video)


Instrumental Produced by Cursebox

Lyric Video by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G
Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Recorded at Repablikan Records Pasig
Distributed by: Sony Music Philippines
Repablikan Syndicate
Shockra
FlipTop Battle League
Sony Music Entertainment

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Lyrics

'Di na ko magpapakita
Doon ka na lang kung saan ka masaya
Onti na lang at manhid na
Kaya't sakit ay dagdagan mo pa

Para maging manhid ako
Ewan ko ba kung mali ba ‘to?
At kung sakali na makita mo
Ang tao na dati baliw sayo
Baliw pa rin naman ako
Lalo na at mas pinili mo na maging kayo
Para sayo kakayanin ang sakit na to
Kaya wag ka na ngang mag-alala
Para sakin wag mo na ring paasahin
Kahit naging alanganin ahh
Para satin aalam natin na eto ay dating laban natin
Ngayon ay ako na lang mag-isa pero pilit kakayanin

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Kung yan talaga ang tinadhana sa atin hindi na para humadlang
Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat para pasanin mo’y gumaan
Wag mo kong intindihin kaya ko to gusto ko ikaw ay maging masaya
Kahit ang kapalit non ay ang yong kahilingan mahal nabitawan kita
Alam mo naman ako gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang
Di na ko aasang sakin mo matatagpuan ang saya na iyong inasam
At isa lang ang aking hiling aking dasal na sana’y alagaan ka nya
Kung may pumatak man na luha sayong mga mata ikalulungkot ko talaga
At sa bagong pag-ibig ng aking inibig sayong mga bisig iyong alagaan
At di na ko sisingit di na ipipilit dahil saking isip pangarap na lamang
Lahat ibalik kahit ako’y sabik kaya mga halik nagkaroon ng hangganan
At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan

Pwedeng bago siya lumisan
Pakiusap ko sana'y pakinggan
Pwedeng bago nya ko iwan
Pakiusap ko sana’y pakinggan

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya
Na mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
‘Di bat mahirap ng tayong dal’wa
Kaya sayo na lang sya
(Dagdagan mo pa)

Oo na kayo na (Di na ko sisingit, di na ipipilit)
Huwag mo nang ipamukha (Sayong mga bisig iyong alagaan)
Na naagaw mo siya (At oo na sige na kayo na wag mo lang ipamukha ng harapan)
Oo na kayo na (Oo na nanalo ka na sa kanya)
Huwag mo nang ipamukha (Dahil sayo ginawa nya kong tanga)
Na naagaw mo siya (Nangyari na ngang talaga wala na kami kayong ng dalawa)

Oo na kayo na
Huwag mo nang ipamukha
Na naagaw mo siya

Dionela, Dello, & Flict-G - Oo Na, Kayo Na (Agaw) Official Lyric Video


Music Producers: timothy Run, Brian Lotho, Chrisanthony Vinzons
Composers: Dello, Flict-G, Lem Belaro
Executive Producer: Sony Music Entertainment Philippines

Flict-G - Hapi Holiday (Official Music Video)


MV Produced by Flict-G
Directed by Flict-G
Video Edited by Flict-G
Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G

Flict-G - Hapi Holiday Lyrics

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Halika na sulitin ang oras na binigay
Magliwaliw ano pa ang iyong hinihintay
Walang pipigil sa lahat ng trip mo
Gawin mo lahat ng gusto mo ora mismo
Netflix and chill o party like a rock star
Malate clubs? Let’s go to where the girls are
Kung gusto mo ng rides meron yatang bump car
Get in my car, how far?
Ang gusto mo para sa ating road trip
Chill ka lang while listening to my top hits
Kung gusto mo mag-freestyle meron diyang old beats
You got bars, huh oh shii..
Sige lang tuloy tuloy lang ang gala
Para tayong mga nakawalang bata
Ang tawag nila dito buhay binata
‘Wag kang mag-alala si Batman bahala

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Isipin mo lahat ng bagay na gustong gawin
Magplano na tayo ano ating tutunggain
Nag-food trip na kanina para bang gutom pa rin
Bili na lang yung bag ko ‘wag mo nang halungkatin

It doesn’t matter kung marami kang kasama
Pagsamahin na lang natin ang barkada
Sila na bahala na magpakilala
Mukhang aabutin tayo ng umaga
Kung magkulang man ambagan na lang
Bahala na kung san mapunta walang pakialam
Kalimutan ang problema ‘nak ng tupa naman
Po-problemahin ko pa ba? Huh bukas na lang

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

It doesn’t matter kung marami kang kasama
(Kung magkulang man ambagan na lang)
Pagsamahin na lang natin ang barkada
(Bahala na kung san mapunta walang pakialam)
Sila na bahala na magpakilala
(Kalimutan ang problema ‘nak ng tupa naman)
Mukhang aabutin tayo ng umaga
(Po-problemahin ko pa ba? Huh bukas na lang)

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Ako’y maglilibang buong araw susulitin ko ang holiday
Available ako ngayon sabihin mo lang kung ano ang time and place
At ako ay darating lika na hey
Kung ano ang trip mo yo come on let’s play
Next day, mo na lang isipin ang mga problema

Flict-G - Hapi Holiday (Official Lyric Video)


Composer: Flict-G
Performed by Flict-G
Mixed & Mastered by Flict-G
Album Art by Flict-G
Lyric Video by Flict-G

Special Thanks:
Backup Aerial Footage by Jaycee Ocampo
Album Art photo by Ryan Nucup
Repablikan Records Pasig
Fubu MANILA
Yown Clothing
Rap n Ralph Hip-Hop Clothing
KDM Lokalidad Clothing
Duffy Clothing
Vwear PH
Dentallica Dental Clinic
Hook Up Clothing
Team Chixology
Team Brusko
Curse of Vapers
Repablikan Syndicate
Crazy Family Badboys
Shockra
FlipTop Battle League
Frontrow International
Sony Music Entertainment

Flict-G - Adultery (Official Lyric Video)


Flict-G - Adultery (Official Lyric Video)

Dekada Nobenta ft. Flict-G, Krazykyle, Badang, Salubsob & Klez D' One - Sigaw Lehitimo (Lyric Video)


This song is all about reminiscing 90's rap song.

Producer: Sigaw Lehitimo.
Instrumental produced by: Ronald Yusi.
Mix and Mastered by: Delta.
Video Editor: Makatang Aklanon Production.
Main Artist: Sigaw Lehitimo.
Featured Artist: Flict G, Krazykyle, Badang, Salubsob & Klez D' One.

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline Lyrics

Hindi biro ang trabahong malagay sa alanganin
Trabaho na isugal ang buhay sa ngalan naming
Nangangamba kami maging sila maging ako
Dahil katulad ng lahat, may pamilya rin kayo
Puyat at gutom ang lagi niyong kasama
Mapagaling nyo lang yung pasyente na nakaratay don sa kama
Para kumita ng pera kahit papano magkaron
Laging overtime tapos takbo rito takbo ron
Pag may problema o kalamidad lagi kayong nandyan
Kayo ang unang umaakay sa mga nasasaktan
Kahit ang buhay minsan ay sadyang mapait
Kayo ang superhero ng mga nagkakasakit
Salamat po sa pagtuloy niyo na kabayanihan
Gabayan nawa kayo ng Diyos na makapangyarihan
Gusto ko lang malaman niyo kaya kami nag-collaborate
Marami po kami na nakaka-appreciate

Tunay na kahanga-hanga ang pinamalas niyong katapatan
Kahit merong haka-haka buong puso ang katapangan
Bawat laban katatagan ang pinagkukunan
Determinasyon at dedikasyon ang nagsilbing puhunan
Para sa bayan handang makipagsabayan
Saludo po ako maging ang mga kababayan
Sa kabi-kabilang banta na meron sating bansa
Di nyo po alintana ang panganib na dala
Nakahanda kayong itanggi ang sarili
Mas pinili sa kalsada’t ospital na manatili
Nakangiti habang matindi ang sinasagupa
Kayo ang makabagong bayani dito sa lupa
Alam namin ang inyong lagay ay alanganin
Kaya laging laman kayo ng aming panalangin
Nakabaling ang tingin naming sa taas
Ang suliranin ito sa tulong nyo ay magwawakas salamat

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Habang ang lahat ay balot ng takot at kaba ang kanilang damdamin
Heto sila kung nasan ang peligro at ang lagay na pinaka-alanganin
Ang panalangin ay ang malagpasan ang hamon ng ligtas
Muling makapiling ang pamilya na iniwanan para sa Pinas
Sila yung mga nasa hanay na kung saan buhay nila ang syang nakataya
Batid man nila ang panganib na pwedeng masapit ay di sila nagpabaya
Nakikipaghatakan kay kamatayan sa lubid ng buhay ng mga pasyente
Kahit sila ay pwedeng makalawit ng mahabang karit na hugis pa syete
Dama ng gutom at pagod ay di makuha na magpahinga
Ang tanging lakas na pinagkukunan ay ang larawan ng pamilya nila
Na nakaabang sa muling pag-uwi makayakap makasama nilang muli
Habang ang iba naman ay di pinalad na napasama sa mga nasawi
Salamat ng marami sa lahat ng inyong mga sakripisyo
Walang salapi na pwedeng itumbas sa inyong binigay na serbisyo
Para sa bawat Pilipino ito ang aming pagpupugay
Sa mga nasa unang hanay na handang itaya ang buhay para samin

Di ko alam kung makakaya ko bang tumbasan
Ng awit ang yong dalang malasakit na kung saan
Ka man mapadpad na merong gantong sitwasyong pangit
Sayo kami kumakapit salamat sa di mo pagsuko kahit
Dumadami na ang lista akalaing parang mitsa
Puro takot kaya hakot ng hakot paubos na ang tinda
Pero sa halip na magpahinga ikaw pa nasa gitna
Pinipilit mo kaming sagipin kahit di mo alam kung masasagip ka
Tulad naming ay tao ka rin pero alam mo ang dapat gawin
Pag alanganin at madilim ikaw ang gabay sating lalakbayin
At tatawirin lalagpasan kapit kamay ang mga palaban
Sa mga panahon na may ganito lagi kayo ang nasa harapan
Buti na lang merong katulad niyo na pag ganito na merong sakuna
Kahit na minsan maraming puna lagi pa rin kayong nauuna
Para tumulong mabahiran ka man ng dugo na pula
Di ka papayag na bandera ng pinoy matumba

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Kayo ay mga tunay na bayani na maituturing
Dahil kahit na nasa kritikal na kalagayan
Ang sitwasyon nandyan kayo para malunasan
Handang ibuwis ang sarili para sa kapakanan ng karamihan
Gampanin di nagawang talikuran
Kaya saludo! Saludo! Maraming salamat sa inyo

Flict-G, Dello, Curse One, Siobal D & Aikee - Frontline (Official Lyric Video)


Repablikan Records Syndicate Productions (Mandaluyong)
Repablikan Records Pasig (Pasig)
Sicktunes Music (Valenzuela)
Dello Records (Cavite)