Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Hannah Precillas - Munting Hiling Lyrics

Walang kasing dakila higit at pinagpala
Kapag naririning mo ang hiling ng iyong kapwa
Hindi ba't mas mapalad pusong may pang-unawa
Inalay mong ligaya ay hindi mawawala

Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pang-unawa ang ating ihatid

Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung may pagkakaisa

Ang bawat kahilingan kung mauunawaan
Mawawala ang galit at tampo ng sino man
Bigyan mo ng pag-asa ang taong nagdurusa
Na ang liwanag ay sumikat sa bawat isa

Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pang-unawa ang ating ihatid

Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung may pagkakaisa

Dapat nating buksan ang isip at damdamin
Huwag nang ipagkait itong ating munting hiling sa inyo

Kung may pag-ibig ay may pag-asa
Na ang dulot ay laging saya
Ang pagtulong ay huwag ipagkait
Pangunawa ang ating ihatid

Tayo ay laging magsama-sama
Ang ialay natin ay saya
Ang mundo'y tunay na kay ganda
Kung sa puso ay may pagkakaisa

Hannah Precillas - Munting Hiling (Official Audio)


Kapuso OST Princess Hannah Precillas reminds us to spread love and kindness to everyone with her latest music offering "Munting Hiling".

MUNTING HILING
Performed by Hannah Precillas
Composed by Vehnee Saturno
Arranged by Elmer Blancaflor
Produced by Kedy Sanchez
VAS Music Publishing

Hannah Precillas - Sabi Ko Na Nga Ba (Lyric Video)


Hannah Precillas sings her latest single under GMA Music "Sabi Ko Na Nga Ba" in this lyric video!

SABI KO NA NGA BA
Written by Jerry Olaguer
GMA Music Publishing
Musical arrangement by Jun Tamayo
Produced by Kedy Sanchez

Hannah Precillas - Kung Walang Ikaw Lyrics

Sa bawat pintig ng puso'y ikaw
Tanging nais ko, ika'y natatanaw
Kasama kang lagi sa bawat galaw
Kulang ang lahat 'pag hindi ikaw

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw

Huwag mong iiwan ang pag-ibig ko
'Pag nagkagayun, mamamatay ako
Ano pa bang silbi ng buhay kong ito?
Kung malalayo ikaw sa piling ko.

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw.

Tanging sa piling mo naramdaman ang isang tunay at wagas na pagmamahal
Sa araw-araw ang tanging dasal
Ika'y kapiling ko
'Yan sa puso ang sigaw

Sa pag-ibig mo ay naramdaman
ang wagas at tunay na pagmamahal
Ipapangako sa'yo, iibigin kita hanggang sa kailanman
Bawat sandali, araw o gabi
Ikaw sa puso ang aking tanglaw
Hindi ako mabubuhay kung walang ikaw.

Hannah Precillas - Kung Walang Ikaw (Official Music Video)


Kung Walang Ikaw Music Video Credits

Bakunawa Productions
Directed by Mina Cruz
DOP: Allan Balberona
2nd cam/Editor: Dan Magallanes
Production Manager: Jen J. Balberona
Setman: Mike Obejera

KUNG WALANG IKAW
Words and Music by Vehnee Saturno
Published by GMA Music Publishing
Produced by Vehnee Saturno & Kedy Sanchez
Record Label: GMA Music

Hannah Precillas - Hindi Ko Kayang Iwan Ka Lyrics

Bakit 'di mapaniwala
Na ika'y nagbabago
Bakit ba laging natatakot
Na magtanong sa 'yo
Kahit pa alam ng puso
Na ako'y iiwan mo
Ikaw pa rin
Ang nasa damdamin ko

Bakit kahit pa nag-iisa
Sa 'yo'y umaasa
'Di nagsasawa na maghintay
Basta't makita ka
Bakit 'di maawat
Ang pusong lagi ibigin ka
Alam kong mali
Itong aking pagsinta

Hindi ko kayang iwan ka
Hindi ko kayang iwan ka
Pagka't dito sa puso ko'y
Talagang mahal kita
At kahit pa sabihin
Na puso'y nababaliw sa 'yo
Patuloy na iibig at
Magmamahal ako

Bakit kahit pa nag-iisa
Sa 'yo'y umaasa
'Di nagsasawa na maghintay
Basta't makita ka
Bakit 'di maawat
Ang pusong lagi ibigin ka
Alam kong mali
Itong aking pagsinta

Hindi ko kayang iwan ka
Hindi ko kayang iwan ka
Pagka't dito sa puso ko'y
Talagang mahal kita
At kahit pa sabihin
Na puso'y nababaliw sa 'yo
Patuloy na iibig at
Magmamahal ako

Woah... Woah...

Hindi ko kayang iwan ka
Hindi ko kayang iwan ka
Pagka't dito sa puso ko'y
Talagang mahal kita
At kahit pa sabihin
Na puso'y nababaliw sa 'yo
Patuloy na iibig at
Magmamahal ako

Woah...

Hannah Precillas - Hindi Ko Kayang Iwan Ka (Official Lyric Video)


Hindi Ko Kayang Iwan Ka | Hannah Precillas | Official Lyric Video

GMA Records

Hannah Precillas - Kanlungan (Official Lyric Video)


Kanlungan | Hannah Precillas | Kambal, Karibal Theme Song | Official Lyric Video.

Performed by Hannah Precillas
Composed by Vehnee Saturno
Published by GMA Records / Vehnee Saturno

Hannah Precillas - Kanlungan Lyrics

Iisa ang puso ko at ito’y para sayo
Kailan ma’y hinding hindi sayo magbabago

Maging ang puso pati ng kaluluwa
Ay kaya kong ibigay sayo dahil mahal kita
Kahit na kailanman ikaw lang at walang iba

Ako ang kanlungan ng iyong pagmamahal
Sa init at lamig ay di ka iiwanan
Ang mga bituin gagawin kong ilaw
Ng lalong magningning pag-ibig kong sayo lamang

Wala akong mahihiling basta’t kapiling ka
Sa akin ang pag-ibig mo’y tunay na langit na

Maging ang puso pati ng kaluluwa
Ay kaya kong ibigay sayo dahil mahal kita
Kahit na kailanman ikaw lang at walang iba

Ako ang kanlungan ng iyong pagmamahal
Sa init at lamig ay di ka iiwanan
Ang mga bituin gagawin kong ilaw
Ng lalong magningning pag-ibig kong sayo lamang

Ako ang kanlungan ng iyong pagmamahal
Sa init at lamig ay di ka iiwanan
Ang mga bituin gagawin kong ilaw
Ng lalong magningning pag-ibig kong sayo lamang

Pag-ibig kong sayo lamang…