Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Morissette - Hinahanap Pa Rin Lyrics

Nag-iisa nalulumbay nagtataka
Bakit bigla na lang nawalang parang bula
‘Di ba nangako ka ako lang walang iba
Ngunit ngayon nasan ka na

Ako naman’y nandito lang naghihintay
Sa bawat sandali ng aking buhay
Kahit anong sakit handa kong tiisin
Sabihin mo lang na babalik ka

Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo
Kahit ikaw naman ang unang lumayo
Ano bang nagawa bakit nilisan mo
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa’yo

Tandang tanda ko pa mga araw na kay saya
Akala ko hindi na matatapos pa
Ngunit sa isang iglap bigla kang nawala
Walang nagawa kundi ang lumuha

Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo
Kahit ikaw naman ang unang lumayo
Ano bang nagawa bakit nilisan mo
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa’yo

Handa akong ialay ang lahat sa’yo
Para lang sa isang lingon mo
O mahal ko ohhh…

Hinahanap pa rin ang pag-ibig mo
Kahit ikaw naman ang unang lumayo
Ano bang nagawa bakit nilisan mo
Ang puso kong ito nagmamahal ng tapat sa’yo

Nagmamahal ng tapat sa’yo