Pinoy Radio Here:

Support OPM

OPL Archive

Abaddon ft. Vlync - Huwag Mong Mahalin Lyrics

Lasing ka na naman anong nangyare kagabe?
Umuwi ka ng may baon pang babaeng malake
Panay ang kamot nya sa singit mong maasim, makate
Astigin ka ba pre kapag iba iba ang katabe?
Iba’t ibang bangka ang yong sinasakyan
Mukhang hindi ka na tinatablan porket di ka sinasaktan
Lahat na lang kinakamkam kahit kaibigan ang may-ari
Ay di mo dinadamdam pilit mo pang sinasagwan
Mga istilo mo’y bulok
Kahit mapahiya ka ay pagpipilitan mo na malunok
Kahit na kalimutan ko’y nakakalimutan kong kalimutang ikaw ay matagal ko ng subok
Sirang sira ka pag babae ang usapan
Bakit mo hinayaan na madungisan ang pangalan mo
Palagi kang tinatawanan dahil nga ang yabang mo
Pero ayos lang yan dahil lahat to’y kasalanan mo

Chorus:
Anung nangyari tropa?
Puro ka droga
Palaging kota
Nak ng pota
Huwag mo ng antayin
Na ikaw ay singilin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin
Baka mapraning ka
Nako ikaw rin
Ayos lang tumikim
Pero huwag mong mahalin

Hindi ka tinuturing yaman ng magulang mo
Ang alam mo lang ay manggulo
At pagkukulang lang ang kaya mong buo na ibigay diyan ka mahusay bro
Kulang na lang ay umusbong ang mga sungay mo
Di ka tumatanggap ng payong kapatid
Kaya batid ko na kung ganong pang-unawa’y kasaid
At malamang sanay ka na sa mga tratong malamig
Isa kang tao na palalo na malabong padaig
Nasobrahan ka na sa lalim
Ano bang inuulam mo sa kanin?
Puro ba masamang hangin?
Kahit ikaw ay alanganin na alam mo bang kasama ka pa rin sa aking mga panalangin?
Huwag mo sanang masamain
Dapat kasi minsa’y subukan mo na harapin ang salamin
Dahil lalo ka lang mapapahamak at sasamain
Kung di mo gustong alamin kung sino ba ang salarin

(Chorus)

Ayos ba na maging siga at maangas?
Tapos kunwari matalino ka’t matalas?
Kahit kanino ka pabibo parang may anting-anting mga ngiti mo
Ang galling mong mangbayabas
Kung ano man ang tinitira mo ngayon
Unti-unti ka niyang ihahatid sa libingang kahon
Kahit ano man ang ipilit mong talon
Anim na talampakan pababa ka niyang ibabaon
Gusto lang kitang tulungan
Baka mga demonyo’y may inuman at ikaw ang mapulutan
Baka maging laman ka ng bulung-bulungan
Dahil masaya ka na sa sementeryo o kulungan
At bago ka pa nga tuluyan na kainin
Subukan mong siyam na oras na walang gising
Dahil napakasakit kung iisipin
Ang isang kaibigan ko sa kangkungan ko pupulutin

(Chorus)

Huwag na (5x) Huwag

Huwag mong mahalin…