Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

The Juans - Itutulog Na Lang Lyrics

Itutulog na lang, ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala

Gabi gabi, hindi mapakali
Hinahanap hanap ang iyong lambing
Hinahanap hanap ka sa aking tabi

Paano na, sa isip di mawala
Mga sandali na ikaw ay kasama
Bawat sandali ay nais kang makita

Itutulog na lang, ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana’y pagsapit ng umaga’y mawala na
Ang sakit na dinulot ng iyong paglisan

Ayoko na, nakakapagod din pala
Tatanggalin nalang mga alaala
Tatanggapin nalang na wala ka na

Itutulog na lang, ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana’y pagsapit ng umaga’y mawala na
Ang sakit na dinulot ng iyong paglisan

Paano na ang pangarap nating dalawa?
Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba
Paano na ang mga pangako sa isat-isa?
Sa laban nating dalawa’y naiwang mag-isa

Itutulog na lang, ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang, bigat na dinadala
Sana’y pagsapit ng umaga’y mawala na
Ang sakit na dinulot ng iyong paglisan

Itutulog na lang
Itutulog na lang

The Juans - Itutulog Na Lang (Official Audio)


Words by : Japs Mendoza and Carl Guevarra
Music by : Japs Mendoza
Produced by: Jacob Israel Clemente
and Japs Mendoza
Arranged by : Japs Mendoza
Recorded by : Joel Vitor
Mixed and mastered by : Jacob Israel Clemente