Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

J.Nicholas - Paalala Lang Lyrics

(1ST VERSE)
Binabansagan nila kong kriminal, sa pagpatay ko kada berso
Sa syudad magpakaanimal dibdib dapat mala asero

Ako'y hindi tanyag na musikero, nakabilad nakatambay lang sa araw
Pinangarap ko dati maging piloto pero nagising ako sa halik ng araw

Sa madaling araw, binabantayan ko ang mga dumadaan na bulalakaw
Madali ang araw sa magnanakaw kahit mga hiling natin inaagaw

Mas pinili kong kumayod kahit sahod sa pinas ay di makatarungan
Dibale ng mapagod ng mapagod basta may bigas hanggang mag hapunan

Mabahong lipunan di ko masikmura, kung ramdam mo din tara music muna
Bigay respeto sa mga sinauna, sila ang puno tayo mga bunga

Nagpakalango na sa awit may halo ang tama ng limang basong serbesa
Kapag malakas ang trip kada beat mga naka beef kinakarne ko sa lamesa

Bangkay na makikita sa bangketa, sariwa parang baon ko na letra
Mentalidad ko'y malaChavit pagdating sa business bawal ko matengga

Sa taas ako'y laging nakarekta, walang putol pag nakakonekta
Kalmado lang isip meron taga bilang ng perang nakolekta

(Hook)
Kung nakakalimot ka
Ito'y paalala lang
Di ako kagalingan
Ito'y paalala lang
Ito'y paalala lang (2X)
Kung nakakalimot ka baka sakaling mag-iba ito'y paalala lang

(2ND VERSE)
Dati na kong napadpad sa lugar kung saan ako ngayon nakatayo
Lumapit sa katotohanan lumiko sa kanan kaya ruta lumayo

Sa iba ko naglaro kung saan laging salapi ang kinakausap
Sa haba ng kwento laging pinapalasap kung anong meron sarap sa ulap

Di mo kailangan magulat parang manhid sa tama ng alak
Kung desperadong agila manghatak malamang itim ang binabalak

Sawa na sa talkshit na banat, putaheng tila inaamag
Laking streets sa ground di makatapak, feeling hustler mga hinayupak

Narindi ako sa ingay pananahimik ko'y naabala
Nabadtrip pagkagising nanuntok tila naalipungatan saitama

Iba ang pagbangon sa kama, dinaig pa gutom na pirana
Madaling kumitil sa kanta malamang busog na naman aking pitaka

Medyo may pagkabayolente sa peke to nakadepende
Pakikisama ko'y tunay sayo nababayaran ng bente

Kakayahan ko ay doble, posible ang imposible
Pinaghihirapan ang pangarap inalis sa isip na ito'y libre

(Hook)
Kung nakakalimot ka
Ito'y paalala lang
Di ako kagalingan
Ito'y paalala lang
Ito'y paalala lang (2X)
Kung nakakalimot ka baka sakaling mag-iba ito'y paalala lang

J.Nicholas - Paalala Lang (Official Music Video)


J.NICHOLA$ - PAALALA LANG
Directed & Edited by: Jayr del Rosario
Composed by: J.NICHOLAS
Produced by: NEXXFRIDAY & GFAB

Cast: Justin Valeros, Kims Esguerra, Mike Tan, Cheska Garcia , Queenie Laksamana, Charlene Wei, Inri Uoeno, Emmanxel Salen, Roger Illescas Bagares II and Khalid Zamzami