Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

JMakata - NayPi (Audio)


Produced by Rap Sanchez
Mixed & Mastered by Rap Sanchez
Song art by JMakata

FlipMusicRecordsPH

JMakata - Itapat Mo Lyrics

Nakikipaglaro sa apoy ni kamatayan, pilit kumawala sa daloy ng kababawan
Mahalimuyak na amoy ng mga halaman ay sinalo at isinaboy ko sa kalaban
Dami na kasing sabit sa jeep, panahon na para magmasid-masid
Dahil tuluyang naging sagana sa multong magikero tong mga pambalot na hanep sa tricks

Ako'y basura ba kamo? Ang lungga ay sa sako?
Ngunit iyong tandaan na minsan ang ginto'y sa basura nakahalo
Madami man pasan di na madadala to kahit na ako'y iyo pang gilingan
Kayo ay talagang mapapapatakbo sa takot saking linya heto na ang finish line

Pasok ang tira sa bawat step: Curry
Ikaw ay magkakaroon ng L: Cory
Lumangoy upang ako mapalapit ng konti
Ngunit lindol ang aking kapalit: Oarfish
May dalawang sungay ng kambing: Kobe
Gatilyo'y nagcollide nung kinalabit: Bonnie
Stilong sadyang walang masakit, so please
Wag saksak patalikod mga pre: doggie

Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Nang sa ganon ay marinig ang hinaing ng aking utak at puso

Mga mabangis na siga aking pinapalis sa pila
Lumalayo ang mic sa kanila parang ginagaya si Corales, Pilita
Talangka sa kanal, nagpapakabanal pero grabe manghila
Ngunit bawat bwelo neto'y Superman dahil Class S bawat hiwa

Ang iba'y ginagamit ang Hip Hop panchix
Nanatili sa lapag, di makapanik
Habang ako'y pumapatay gamit lapis, hindi ko intensyon na maging John Wick
Madalas niyong pinapairal ang katamaran palagi nalang nakasandal sa higaan
Habang lahat siguradong walang prenong makikinig saking berso: banal sa simbahan

Mga ideyang dinudulot ng berde na pagiisip nahulog sa ere
Namunong duende natapakan at nadurog, nasurot, napeste
Hati sa gitna: buhok ni Mang Kepweng, awit na pampatulog panghele
Lahat ay nananabik sa aking mas sick na kanta animo'y natupok sa dengue (sige)

Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Nang sa ganon ay marinig ang hinaing ng aking utak at puso

Di makukulong sa mahinang bulong dahil bara mo'y pambata
Habang linya ko'y may tangan na pagkatuto't sinasaulo na parang bandana
Mga kathang kantang pinakawalan, mga tao ay basura ang pulutan
Kayo'y mas makalat pa sa plato't kwarto ng mga iniluwal upang maging batugan

Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Itapat Mo ang yong tenga
Itapat Mo! Itapat Mo!
Nang sa ganon ay marinig ang hinaing ng aking utak at puso

JMakata - Itapat Mo (Official Music Video)


Performed by: JMakata
Produced by: Mat Olavides
Lyrics by: John Mark Cruz
Published by: FlipMusic Productions, Inc.
Music Video Directed by: Kerwin Cayabyab Dayrit

JMakata - BesMode Lyrics

I
Hindi ko alam kung pano sisimulan yung kwento
Pero nung isang araw nakita kita..
Nakahilata sa sahig, buong mukha'y nanlalamig
Dahil sa sampung lalaking nakapaikot
Nanabik akong puntahan, sunggaban at makipagtulakan
Naitumba ang lahat ngunit may galos na kalakip
At pagtapos ng mga hamon aking kamay inabot
Para itayo ang damdamin na dati ay di takot
Ika'y nakatitig lang sa'kin habang ang kilay simangot
Ang galit na kasangkot, ngiti ko lang pala ang gamot
Napatanong sa sarili, gusto rin kaya 'ko neto?
Teka, hindi, malabo na parang aking mata
Pero kita ko sa titig, pag-ibig na walang preno
Kung eto ang nakatakda handa kong magpakatanga

Refrain 1:
Nagkausap ng walang sawa
Wasak sa kakatawa
Ako ay pinagpala na ikaw ay akong makasama

Chorus 1:
Teka muna, Kaibigan o Ka-ibigan
Init ng pagmamahalan ay wag diligan
Sa laro ng apoy natin ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
(Repeat again)

II
Inimbitahan mo’ko sa inyong bahay
Sa kwarto pinatambay
Nilamon iba’t-ibang tinapay akala mo’y lamay
Habang nanonood ng pelikula na paborito
Pasakit at problemang pasan ay aking ng nalimot
Di napansin ang oras, alas-dos na ng umaga
Pagkalingon ko sa kaliwa nahuling ika’y nakatunganga
Nilapitan, kinurot, tinanong ko kung anong problema
Pinakinggan ang tunog ng bulong mo sa aking tenga
Tas nagkadikit ang balat, tumayo ang balahibo
Yap, nasibak na parang siya si Aquino
Lakas ng tama ko sa’yo ngunit parang mali ‘to
Gumising tayong walang saplot tila naliligo

(Ulitin ang Refrain 1 at Chorus 1)

III
Lumalakas ang tibok ng puso parang walang masasabi
Pinanis mo ang karamihan sa babae
Sobrang init ng galaw dinaig ang pwet ng kawali
Ako’y magtatapat na parang magtatanghali
“Tayo na ba?” aking tanong, “Ayoko” ang iyong sagot
“Meron akong ibang mahal”, bigla akong nanlambot
Napasuntok sa kawalan, nagsabong na sa daan
Baka pwede ng tumawid kapag wala ng paraan
Napatulala at sobra sa pagpigil ng luha
Ginawang vulcaseak dahil naging panakip butas
Uto-uto ang damdamin animo’y isang tuta
Di makadiretso ng lakad parang lasing na kuba

Refrain 2:
Sa pag-uusap ay nagsawa
Wasak ang puso sa’yong tawa
Ako ay pinagpala
Dahil hindi na kita makakasama

Chorus 2:
Teka muna, ang sagot ay kaibigan
Init ng pagmamahalan nadiligan
Sa laro ng tadhana ay nakayakap
Habang nakalatag ang kama sa alapaap
(Repeat again)

Ako ay na BesMode (BesMode) 4x
Yeaahh..

JMakata ft. Dionne of Ch4rmd - Sanip Lyrics

1st verse:

Nung unang masilayan natanaw ko ang kagandahan
Ngunit halata sa matang may problemang nagsasampalan
Luntian ang kulay ng luha na pumapatay habang
May multong nagbalat sibuyas kaya aking tinapatan ng bawang

Naligo ka ng papuri saking bibig kahit na tinulak
Papalayo, masyado pa bang maaga tinanong ko si Muhlach
Puso’t isip ay mapusok, sa galak ay akin ng binusog
Inalila ng masa dahil ang kanyang kolorete ay putok

Puro gera ang nasa ulo, ang utak malapit na maging bomba
Apatnapungaraw lumuha parang kapanahunan ni Noah
Kumakapit na sa sahig habang sa pagibig sabik
Lubog na ang mata niya parang araw kapag ala-sais

Di na nasipat ang hangin parang ang mundoy kulob
Hinanap ko dun sa burol ngunit may kidlat at kulog
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw

2nd verse:

Pusturang dukha ngunit sa likod may tinatagong yaman
Sa’yo umikot aking araw hawak ko kalendaryo ng Mayan
Limang nanliligaw sa’yo paniguradong gahaman
Pinatay nila si Ara dahil nawalan sila ng Galang

Parang nahulog sa langit na walang sumalo: Bulalakaw
Tinubuan ng bungangaraw dahil mabunganga raw
Kaydami ng pinangako lumuhod pa sa harapan
Araw-araw ka nilang binababoy di sumunod sa ramadan (ugh)

Nilapa ng poot sa pook kung san madugo
Pakiramdam ay marupok nasubsob sa mga tunog
Na nililikha ng mga dila, sinumpa ay gabundok
Mala Sharon Cuneta dahil parang batang musmos

Napitas na ang prutas ng puno mong mabunga
Ilang buwan na kong nagpapansin parang ikaw si Luna
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw

Bridge:

Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Pinulutan ang galit balak iwanan lahat
Durog na durog na ang puso at ang utak ay tadtad
Lahat ng plato ay basag, lahat ng luha nalaglag
Ang aking puso ang kukumpleto sa kulang na sangkap

3rd verse:

Hinalay sa tuwa, bumigay natumba
Inalay sa buddha, umakay papunta
Sa wastong ruta ngunit tumagay na muna
Bawat galos mo sa inunan lumatay sa punda

Nagbubulagbulagan mismo ang mga kapitbahay
Nagku-krus mga mata naging duling parang si Sunshine
Tanong sa isipan ay pano nangyari’t bakit?
Mahal kita ika’y kumapit kaibigang matalik (Sanip)

Hook:

Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw
Sanip, sumabit ka sakin at wag kang bibitaw
Ika’y aking ilalapit sa puso kong ikaw ang sinisigaw