Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jaywalkers - Ligaw Tingin Lyrics

Di ko maintindihan ang nararamdaman
Pag ikaw ay nakikita twing ako'y dumaraan
Sa harap ng inyong bahay para lang kaw ay mamasdan,
O anong saya sinta ang nadarama, nadarama

Pintig ng aking puso ay biglang bumibilis
lalo pag nakikita ko ang ngiti mong kay tamis
Sa isipan ko'y hindi kana nawawaglit
Maging sa pag tulog ko ay ikaw ang panaginip, panaginip

Pasensya na kung ako sa iyo'y may pag tingin

Di alam kung kelan at paano mo mababatid
Na minamahal kita ngunit turing mo'y kapatid
Eh kasi naman ang puso mo'y saksakan ng manhid
kaya hindi mo mapansin ang aking pag ibig, ang aking pag himig

Pasensya na kung ako sa iyo'y may pag tingin
Kahit na ako sayo'y panay lamang ligaw tingin

Hanggang ngayo'y gitara ko parin ang tangi kong sumbungan
Sa tuwing ang puso ko ay merong pinagdadaanan
Sapagka't hindi ko kaya na sabihin ng harapan
Ang nadarama sa'yo ako'y lubhang nahihirapan
Panay tingin , panay tanaw yan lang palagi tema
Nangangarap ng gising na sana ikaw ay makasama
Pasensya na kasi ikaw pa ang aking napili
Na gawin kong reyna kahit di ako ang hari

Pasensya na kung ako sa iyo'y may pag tingin
Kahit na ako sayo'y panay lamang ligaw tingin

Pasensya na sinta
Pasensya na
Pasensya na
Sana ay mapansin

Jaywalkers - Suntok Sa Buwan Lyrics

Tinangay na nga ng hangin
Mga alaala natin
Bigla na lamang nawala
Ngayon ako'y nangangapa

Dati ay ako palagi ,
Ngayon ay di ko na mawari
Bigla na lang nagbago ka
Pinagmukha akong tanga

Sana'y di ka na nakilala,
Di na rin sana ko umasa
Mahalin mo tila malabo,
Iba ang sigaw ng yung puso

Isang gabi di tumangi ,
Tumambay sa isang tabi
Baka sakaling andun ka ,
Umasang makikita ka
Ngunit wala badtrip naman
Lagi na lamang bang ganyan
Lagi na lang suntok sa buwan

Kahit na pag sigawan ko
Itong damdamin ko sayo
Wala namang magbabago
Tama ngang tanggapin na lang
Ako sayo ay hanging lang ,
Laging ganun yung sistema
Paulit ulit ang tema

Sana'y di ka na nakilala,
di na rin sana ko umasa
ang mahalin mo tila malabo,
iba ang sigaw ng yung puso

Sana'y di ka na nakilala
Di na rin sana nasaktan
Di na rin sana naranasan pang
Umasa at mabalewala

Tinangay na nga ng hangin
Mga alaala natin

Jaywalkers - Siete Lyrics

Ayoko nang ganito malayo sa tabi mo
Nahihirapan ako, sinta wag nang magtampo
Malalim na ang gabi wala parin aking tabi
Di mapakali

Pumapatak ang ulan asar ayan na naman
Ayaw nang maramdaman, pagkat kinakabahan
Makahanap ka ng iba, pagibig ko'y malimot mo na,
wag naman sana

Pag ibig mo sinta
ang s'yang tanging nais na makasama

Pusong nagsusumigaw, malapit ng bumitaw
Pag di ka natatanaw, akoy palaging uhaw
Sana naman pakinggan, pagsamo ko ay pagbigyan,
sana naman...

Pag ibig mo sinta
ang syang tanging nais na makasama
sa bawat oras ay palaging ikaw
ang s'yang tanging nais na makita

Itoy awiting sinulat sayo upang malaman ang nadarama ko
namiss na miss na kita sa piling mo lamang liligaya
Itoy awiting nag papaiyak saking damdamin pagkat di ko matiyak

Ayoko ng ganito , malayo sa tabi mo
Ohh ohh ohh ohh