Sa liwanang ng araw inihahambing ang iyong mga ngiti
(Hanggang ngayo’y napapaisip, ito ba ay isang panaginip?)
Katulad sa bughaw na langit ang mga titig mo sa akin
Parang hanging dumadamping paulit-ulit
Halika’t sumama, simulan ang bagong kabanata
Tuklasin ang bawat pahina ng tadhana
Ikaw ba’y sigurado na sa iyong nararamdaman?
Tuloy-tuloy ang ikot ng mundo
Ngunit sa init ng iyong halik ito’y humihinto
Hindi ka na kailangang mag-isa
Hawak kamay tayong maglalakbay
Tayo’y patutungo sa walang hangganan
(Lahat ng kinakailangan, hinding-hindi pababayaan)
Kahit na madapa
Kahit na may hadlang sa ating daanan
Ito’y ating makakayanan
Kung ika’y sigurado na sa iyong nararamdaman
Ang pangakong hindi ka na luluha pa
Sulitin ang bawat sandali
Magdahan-dahan huwag magmadali
Nandito na ang oras
Sugurin natin ang bukas
Kung magbago man ang panahon
Hindi na kinakailangan
Walang pag-aalinlangan