Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Paul Hildawa - Mahirap Magselos (Interpreted by Caleb Santos) Lyric Video


PhilPop MusicFest Foundation presents:

Mahirap Magselos
Official Lyric Video
Composed by Paul Hildawa
Interpreted by Caleb Santos
Produced by Civ Fontanilla and Alwyn Cruz
Arranged by Janno Queyquep
Guitars by Janno Queyquep
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios

Directed and edited by Jaimee Dejelo Bernardo
Co-edited by Martin Dejelo Campita

Special Thanks to Viva Records

Caleb Santos - Mahirap Magselos Lyrics

Mahirap magselos ng ‘di naman kayo
Tingin ka ng tingin ‘di ka pinapansin
Ngunit nariyan ka pa rin umaasang lingunin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo

Mahirap umasang pangarap ay ikaw
Dinadaan-daanan lang ‘di ka nakikita
Bakit nariyan ka pa rin lungkot-lungkutan ang dating
Nangangarap ng gising na ikaw ay maangkin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo

Bakit ganito kung sinong mahal mo ‘di ka pinapansin
Bitaw na, tama na, ng iyong mapansin
May nagseselos din pala sayo

Sana’y matauhan lumingon sa iba
Iyong makikita may nagpapapansin
Muntik mong di makita dahil abala
Sa pagseselos mo sa sinta ng iba

May nagseselos din sa’yo buti ‘yong nakita
Nagkatagpong mga tingin, nagkita at napansin
Mahirap magselos ‘pag di naman kayo
Simula na ‘to di na mang-aangkin kung ‘di naman akin
Tigil na, gising na, mayroong darating
Na para sa’yo, na magmamahal sa’yo
Na nagseselos din pala sayo

Bakit ganito kung sinong mahal mo ‘di ka pinapansin
Bitaw na, tama na, ng iyong mapansin
Nagseselos s’ya sayo, umaasang maging kayo
Sana nga maging kayo dahil pwede ng magselos

Kapag kayo…