Pag lumuhod ba ang tala?
Pagbibigyan kaya?
Ang hiling kahit s’yang nakalipas na
Abot langit parin akong umaasa…
Tahasan nang nilimot
Ang siyang sakin ay bumabalot
Katawan ko ma’y markado
‘Di mo pa rin natatanto
Iniwan mo, iniwan mo, iniwan mo…
Ang mga ala-alang hindi ko ginusto
Ayokong isipin hindi ka na magbabalik pa
Bakit tayo nagka-ganito
S’yang aking pinagtataka
Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura
Hindi mo nakikita
Tayong itinadhana
Tuklasin nating muli ang hiwaga
Magbalik kung saan lahat nagsimula
Sinabi mo, sinabi mo, sinabi mo…
May ilang buwan na lang ako maghihintay sayo
Wag mong sabihin wala kang isang salita
Dahil kahit anong gawin hindi ka na mawawala
Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura
Pagbibigyan kaya?
Ang hiling kahit s’yang nakalipas na
Abot langit parin akong umaasa…
Tahasan nang nilimot
Ang siyang sakin ay bumabalot
Katawan ko ma’y markado
‘Di mo pa rin natatanto
Iniwan mo, iniwan mo, iniwan mo…
Ang mga ala-alang hindi ko ginusto
Ayokong isipin hindi ka na magbabalik pa
Bakit tayo nagka-ganito
S’yang aking pinagtataka
Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura
Hindi mo nakikita
Tayong itinadhana
Tuklasin nating muli ang hiwaga
Magbalik kung saan lahat nagsimula
Sinabi mo, sinabi mo, sinabi mo…
May ilang buwan na lang ako maghihintay sayo
Wag mong sabihin wala kang isang salita
Dahil kahit anong gawin hindi ka na mawawala
Nakatatak ka na sa isipan ko
Kasama ng pangakong binitawan mo
Sa puso ko’y parang tatung ipininta
Na magpa-hanggang ngayon
Ay di ko mabura-bura