Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Feel Day - May Gusto Lyrics

Sabi mo nung una Mabuti pang magkaibigan na lang At 'wag na 'kong umasa sa wala Ang araw ay lumipas
At meron na 'kong bagong sinisinta
At napapansin ko lang

Parang may gusto kang bawiin sa sinabi mo
Habang ako naman ay pilit na lumalayo

Eh kung alam ko nga lang
'Di sana naghintay na lamang ako
Iwas sa problemang malaki
Eh sabi mo naman kasi
Hindi mapapasakin ang puso mo
Pero 'di naman kita masisi

Kung parang may gusto kang bawiin sa sinabi mo
Habang ako naman ay pilit na lumalayo
Parang nag-iiba na ang ihip ng hangin dito
Lubhang gumugulo ang isip at mundo ngayon

Parang may gusto kang bawiin sa sinabi mo
Habang ako naman ay 'di na nga makalayo-layo
Habang panay ang hirap ng aking isipan dito
Parang alam naman nitong damdamin ang sagot

Feel Day - May Gusto (Official Lyric Video)


The official lyric video of "May Gusto" by Feel Day.

Composed by Jeriko Buenafe
Publisher: Viva Music Publishing, Inc.
Produced, arranged and recorded by Feel Day
Mixed and Mastered by IƱigo Mortel
Album art made by Will Preclaro