Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Music Hero - KLWKN Lyrics

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa
nating dalawa

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng `yong mga mata

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang `yong kamay

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa
nating dalawa

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na `king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa
nating dalawa

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa
nating dalawa

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
nating dalawa
nating dalawa

Music Hero - KLWKN (Music Video)


KLWKN (Music Video) | Music Hero

Eat Bulaga!

Music Hero - Walang Papalit Lyrics

Palagi lagi na lang kitang
Hinahanap maghapon at magdamag
Sa tuwing pumipikit larawan mo ang naiisip
Kailan kaya kita makakamit

Palaging hindi mapakali
Hanggang nakaw na lang ng tingin
Sa bawat pagbigkas sa ngalan mo ng aking labi
Dalangin ko sana’y iyong dinggin

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo’y walang kibo
Ngiti’y di maalis
Sana’y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

Lumalalim na ang pagtingin
‘Di mapigil ang aking damdamin
Mayrong naririnig kumakatok ba ang tadhana
Handa na ba muling tanggapin

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo’y walang kibo
Ngiti’y di maalis
Sana’y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

Sa bawat pintig ng puso ko
Ikaw lang ang hinihiyaw
Handa na bang muling magmahal?
Sa bawat pintig ng puso ko
Heto na at nagsusumigaw
Handa na ‘kong muling magmahal

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo’y walang kibo
Ngiti’y di maalis
Sana’y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

Ikaw lang ang nagpatibok
Muli ng puso kong ito
Akala ko di na magbabalik
Sa piling mo’y walang kibo
Ngiti’y di maalis
Sana’y ito na ang
Tanging pag-ibig at wala nang papalit

Music Hero - Walang Papalit (Official Lyric Video)


WALANG PAPALIT (FULL SONG with LYRICS) - Music Hero

Eat Bulaga