Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

KZ Tandingan - Nag-iisa Na Naman Lyrics

Nag-iisa
Nag-iisa na naman
Bakit ba
Walang kadala-dala
O tama na
Umiiyak na naman
O ang hapdi, o ang hapdi
Ng pighati ngayong nag-iisa na naman

Gulong-gulo at ang sakit sa ulo
Pinipilit kong limutin ‘tong matatamis mong pangako
Wala daw oras ngunit meron palang iba
Ibibigay daw ang lahat ngunit may sobra pa sa kanya
Haaanubayan…
‘Di na tama ngunit ‘di mapigil-pigilan,
‘Di ko matigil-tigilan ang damdamin kong baliw na baliw
Niloko mong harap-harapan at paggising ko’y wala kana nga oh…

Nag-iisa
Nag-iisa na naman
Bakit ba
Walang kadala-dala
O tama na
Umiiyak na naman
O ang hapdi, o ang hapdi
Ng pighati ngayong nag-iisa na naman

Bulong-bulungan ng lahat kung pa’no mo ko pinaikot sa iyong mga palad
Ilang taon ba ang sinayang at laking panghihinayang bakit sayo pinikit ang mata’t alam ng lahat sa pag-ibig akoy bulag-bulagan
Tinamaan ang damdamin
Pagdating sa iyo ay kayang ibigay maging itong buong buhay
Hindi isa hindi dalawa kahit ilang beses mo pa akong ginagawang tanga
Oh ganon na nga ngunit tama rin naman sila
Dapat siguro di na pinatagal ng ganito
Oh jusko ano ba’to
Di na nadala ulit-ulit nalang ano bang ginawa
Ngayo’y hindi mo na minamahal

Oooh nananananag-iisa
Nag-iisa na naman
Bakit ba
Walang kadala-dala
O tama na
Umiiyak na naman
O ang hapdi, o ang hapdi
Ng pighati ngayong nag-iisa na naman

Nag-iisa na naman
Bakit ba
Walang kadala-dala
O tama na
Umiiyak na naman
O ang hapdi, o ang hapdi
Ng pighati ngayong nag-iisa na naman

Kulang pa bang pagmamahal
Kulang pa ba ang nilaan bakit nag-iisa na naman
O kulang ba kulang pa bang napadama
Kulang pa ba’t humanap ka pa bakit nag-iisa na naman
O kulang ba
Kulang pa bang pagmamahal
Kulang pa ba ang nilaan bakit nag-iisa na naman
O kulang ba kulang pa bang napadama
Kulang pa ba’t humanap ka pa bakit nag-iisa
Bakit nag-iisa na naman