Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Mark Carpio - Para Lang Sa'yo Lyrics

Bakit ba ngayon ka lang
Dumating sa buhay ko
Huli na ba ang lahat
Mayro’n nang ibang mahal
Sana ay ako na lang
Ang laging nasa piling mo
Pinagdadamutan ba
Ang puso’y gulong-gulo

Ngayon lang tumibok muli
Itong damdamin
May bukas bang naghihintay sa ‘tin

Hindi ko makakaya
Kung ikaw ay mawawala
Nagpupumilit ang damdamin
Bakit hindi ka mapasa’kin
Ano bang magagawa
Aasa pa ba ako
Sana ay marinig ang awit ko
Na para lang sa’yo

Siya na ba ang ‘yong mahal
Dapat nga bang lumayo
May ipaglalaban ba
Kung siyang pipiliin mo
‘Di dapat pag-agawan
Oh ayoko ng ganto
‘Wag ka lang niyang sasaktan
Oh nandito lang ako

Kahit hanggang kailan maghihintay pa rin
Magbubukas pa bang ‘yong damdamin

Hindi ko makakaya
Kung ikaw ay mawawala
Nagpupumilit ang damdamin
Bakit hindi ka mapasa’kin
Ano bang magagawa
Aasa pa ba ako
Sana ay marinig ang awit ko
Na para lang sa’yo

‘Di ko mayakap ang aking pagkabigo
Lumisan ma’y maghihintay ako

Hindi ko makakaya
Kung ikaw ay mawawala
Nagpupumilit ang damdamin
Bakit hindi ka mapasa’kin
Ano bang magagawa
Aasa pa ba ako
Sana ay marinig ang awit ko

Hindi ko makakaya
Umibig pa ng iba
Nangungulila ang damdamin
Bakit hindi ka mapasa’kin
Lahat na ay nagawa
Nilisan pa rin ako
Sana ay marinig at sana ay iyong dinggin
Sana ay tanggapin ang awit ko
Na para lang sa’yo

Mark Carpio - Para Lang Sa'yo (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Para Lang Sa 'Yo" by Mark Carpio.

Composed by Mark Carpio
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Brian Lotho and Chrisanthony Vinzons of Sonic State Audio Studio
Arranged by Brian Lotho and Chrisanthony Vinzons
Mixed and mastered by Brian Lotho and Chrisanthony Vinzons at Sonic State Audio Studio
Keys By: Kim Clark Dela Cruz and Joseph Togonon
Orchestration by: Chino David

Natsumi - Para Lang Sa'Yo Lyrics

Nagkatinginan ating mata
Puso ko ay biglang sumaya
Sabi ko ay ikaw na nga kaya
Sa’king panaginip ay nakikita
Buwan at bituin ay nakatingin
Sa ganda ng iyong mga ngiti
Sa bawat araw laman ng isip
Sumasaya’t sumisigla

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko
Ohhhh… ohhhh…

Ngayon tayo ay magkapiling na
Bawat saglit ay puno ng saya
Parang langit pag kapiling ka
Dibdib ko ay puro kaba

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Tanggapin mo ang pag-ibig ko

Kung minsan ay nagkakatampuhan na rin
Binibiro ng tadhana, pagmamahalan
Huwag bibitaw sa ating pangako
Hanggang wakas tayo’y magkasuyo
Kasuyo…

Ang puso kong ito ay para lang sa’yo
Ngayon at kailanma’y ‘di magbabago
Pinapangako ko ako’y iyong-iyo
Subukan man ako patutunayan ko…
Sayo… sayo…