Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Pusakalye - Kumusta Ka Na? Lyrics

Kumusta ka na?
Kumusta ba siya?
Hindi ka ba nahihirapan sa kanya?
Nandito lang ako,
Naghihintay sayo.
Kung hahanapin mo kahit patago.

Ayoko ng umibig pa
kung di rin lang ikaw
Ang mamahalin,
aangkinin.

Pipilitin ko pa ba,
kahit pusoy kanya na?
Ang humanap ng ibay hindi magawa.
Dapat ako siya.
Dapat nandito ka.
Nasayang ang lahat nung iniwan kita.

Gusto ko nang
itama ang lahat sa atin
At ibalik ka sakin.

Kung mapagbibigyan
na ulitin ang lahat
Ay di ka na iiwan.
Sana tadhanay gumawa ng paraan.
Oh hindi pa ba sapat?
Ako ba'y hindi karapat-dapat
na ibigin muli?

Kumusta ka na?
Kumusta ba siya?
Nandito lang ako,
Naghihintay sayo.

Pusakalye - Kumusta Ka Na? (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Kumusta Ka Na?" by Pusakalye.

Composed by Angelo Gerard R. Cawili
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Pusakalye and Jelzon Rommel Reyes
Arranged by Pusakalye
Recorded by Joel Mendoza and Dennis Tolentino at Viva Recording Studios
Mixed and mastered by Almond Louis Mendoza at Nut A. Home Production Studio
Cover art by Jelenie Custodio

Pusakalye - Sa Huli (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Sa Huli" by Pusakalye.

Composed by Mark Lester C. Binoya
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Pusakalye and Jelzon Rommel Reyes
Arranged by Pusakalye
Recorded by Joel Mendoza and Dennis Tolentino at Viva Recording Studios
Mixed and mastered by Almond Louis Mendoza at Nut A. Home Production Studio
Cover art by Jelenie Custodio

Pusakalye - Sa Huli Lyrics

'Di man natin hawak ang tadhana
Ibubulong na lang kay Bathala
Na hanapin
Na hanapin

Ang bawat butil ng pagmamahal
Ng pag-ibig na magtatagal
Kailanman

Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita
Na tayo pa rin sa huli
Umikot man ang mundo't
Mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli

Suntok sa buwan man ang mga pangako
Sisikapin kong hindi maglaho
At hanapin, hahanapin

Ang apoy ng iyong magmamahal (unti-unti na bang nawawala)
Na sinisigaw sa langit at dinadasal
Kailanman

Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita
Na tayo pa rin sa huli
Umikot man ang mundo't
Mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli

Ang oras (umiikot ang oras at 'di babalik)
Hinding-hindi titigil (ng kahapong nasayang sa pagkakamali)
'Wag magsumamong (umiikot ang oras at 'di babalik)
Papanig sa 'tin (ng kahapong nasayang sa pagkakamali)

Oras na ang nagtakda na ang tadhana

Sa 'kin na lang ang pag-asang muling makikita
Na tayo pa rin sa huli
Umikot man ang mundo't
Mawala man ang tayo
Ikaw pa rin sa huli
Sa huli

Pusakalye - Sandali Lyrics

‘Wag mo nang itanong
‘Di rin naman sasagutin
‘Wag ka nang mag-aksaya
Ng panahon at isipin

Hindi na pwedeng ganyan
At ako'y nahihirapan
‘Di na mapalagay
Sa kakaisip sa'n tayo patungo

Kagabi ka'y katabi
‘Di rin naman makakibo
Mata mong nakatingin
Tila may gustong sabihin

Hindi na pwedeng ganyan
At ako'y nahihirapan
Hindi na mapalagay
Kung bakit nga ba sablay

‘Di na kailangan magsalita
Yayakapin na lang kita
At sa atin ang gabi
At sa atin ang bawat

At sa atin ang gabi (At sa atin ang gabi)
At sa atin ang bawat

‘Di na kailangan magsalita
Yayakapin na lang kita
At sa atin ang gabi (At sa atin ang gabi)
At sa atin ang bawat

Sandali lang
‘Di ko maamin
Ang nararamdanan (Ang nararamdanan)

Sandali lang
‘Di ko maamin
Ang nararamdanan (Ang nararamdanan)

Sandali lang
‘Di ko maamin
Ang nararamdanan (Ang nararamdanan)

Sandali lang
‘Di ko maamin
Ang nararamdanan

At sa atin ang gabi
At sa atin ang bawat sandali

Pusakalye - Sandali (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Sandali" by Pusakalye.

Composed by Mark Lester Binoya and Ian Hero Oliveros
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Pusakalye and Jelzon Rommel Reyes
Arranged by Pusakalye
Recorded by Sean Tuesday at Viva Recording Studios
Mixed and mastered by Almond Louis Mendoza at Nut A. Home Production Studio
Cover art by Miss Tatie

Pusakalye and This Band - Wala Na Ang Init Lyrics

'Di ako ang para sa 'yo
Tadhana lang ang nagtagpo
Tadhana rin ang naglayo…

Kay sakit mang tanggapin
Na 'di ako ang papalarin
Na makakasama mo sa habangbuhay

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa ‘kin
Oh wohh…

Ako ang para sa 'yo
Pangako ng puso mo
Pangakong 'di na magkakatotoo

'Di na masasaktan pa
Sa kwento nating dalawa
'Di na makakarating na mahal kita

Ang lahat ng bigat ng damdamin
Lahat-lahat ay nais ko mang pawiin
'Di mo na maibabalik ang pag-ibig

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa ‘kin

Ohh wohh…

Ako ang para sa 'yo
('Di ako ang para sa ‘yo)
Tadhana lang ang nagtagpo
(Tadhana rin ang naglayo)
Pangakong hindi na magkakatotoo

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa ‘kin

Ohh wohh…

Wala na ang init (wala na ang init)
Wala na ang init ng ating pag-ibig

Pusakalye and This Band - Wala Na Ang Init (Official Lyric Video)


WALA NA ANG INIT
Pusakalye and This Band
Lyrics by Mark Lester Binoya and Michelle Saubon
Music by Mark Lester Binoya
Produced by Pusakalye, This Band, Jelzon Rommel Reyes and Euwie Von Loria
Arranged by Pusakalye and This Band
Recorded by Joel Vitor at Amerasia Studios
Mixed and mastered by Almond Louis Mendoza at Nut A. Home Production Studio

Pusakalye - Kuwento Ng Pag-ibig (Official Music Video)


Official lyric video of "Kuwento Ng Pag-ibig " by Pusakalye.

Viva Records

Pusakalye - Ang Ating Alaala Lyrics

Sandigan ko ang mga salitang binitawan mo
Ginuhit sa aking palad ang pagmamahalan natin

Kasabay sa pag-awit at pagsayaw
Magtatampisaw sa ulan

Gunita mo na lang ang tanging bumabalot sa akin
Halimuyak ng 'yong buhok ang natitira sa isip

Kasabay sa pag-awit at pagsaway
Magtatampisaw sa ulan

Ang ating alaala
Bumabalik ang ating pag-ibig
Ang nakaraan natin
Hinding-hindi mabubura

Ang aking panalangin
Na sana'y tayo hanggang huli
Ang nakaraan natin
Hinding-hindi mabubura

Dumdumon nato ang
Malipayong kagahapon (Dumdumon nato ang)
Dumdumon nato ang
Malipayong kagahapon (Dumdumon nato ang)
Dumdumon nato ang
Malipayong kagahapon (Dumdumon nato ang)
Dumdumon nato ang
malipayong kagahapon (Dumdumon nato ang)

Kasabay sa pag-awit at pagsaway
At magtatampisaw sa ulan

Ang ating alaala
Bumabalik ang ating pag-ibig
Ang nakaraan natin
Hinding-hindi mabubura

Ang aking panalangin
Na sana'y tayo hanggang huli
Ang nakaraan natin
Hinding-hindi mabubura

Dumdumon nato ang
Malipayong kagahapon (Dumdumon nato ang)

Dumdumon nato ang
Malipayong kagahapon

Pusakalye - Ang Ating Alaala (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Ang Ating Alaala" by Pusakalye.

“Ang Ating Alaala”
Pusakalye
Words & Music by Mark Lester Binoya
Published by Viva Music Publishing Inc.
Arranged by Pusakalye
Additional Instruments/Percussions by Joel Vitor and Pusakalye
Produced by Pusakalye and Jelzon Rommel Reyes
Recorded by Joel Vitor
Mixed and Mastered by Joel Vitor and Almond Louis Mendoza
at Amerasian Studios
Cover art by Nemar Sencil

Viva Records

Pusakalye - Kuwento Ng Pag-ibig Lyrics

Tangi kong dalangin
Sana'y hawiin ng hangin
At mabaling sa ‘kin
Ang iyong tingin
At nang ako ay mapansin

Bulaklak kong marikit
Ang puso kong nalulumbay
Sa 'yo'y naakit mo't
Napagtantong sa 'yo'y
Natutong humiling

Na sana’y hahayaan mong
Isilong ka sa 'king pagmamahal
At kahit umulan
Kailanman ay
Hindi ka iiwanan

Iingatan ko
Ang puso mong ‘di mo pinagkait
At araw-araw kang mamahalin

Bulaklak kong marikit
Ang tamang panahon sa ’tin
Ay dumating na
At pipitasin kita
Nang buong lambing

Tulad mo’y hiyas nag-iisa
Walang katulad ang ganda
Pangako ko sa ’yong
Hinding-hindi kita ‘pagpapalit

Sa kahit na anong yamang
Ihahambing sa 'ki'y ikaw pa rin
At kahit na unos mang darating
Ako’y mananatili

Iingatan ko
Ang puso mong ‘di mo pinagkait
At araw-araw kang mamahalin

Bulaklak kong marikit
Ang kuwento ng pag-ibig ko sa ’yo’y
Inukit sa isang tula
At nilapatan ko ng himig

Lagi kong pakikinggan
At itatago sa sulok ng aking puso
Hanggang sa dumating sa atin
Ang hatinggabi ng ating buhay

Pusakalye - Kuwento Ng Pag-ibig (Official Lyric Video)


Official lyric video of "Kuwento Ng Pag-ibig " by Pusakalye.

Viva Records

Pusakalye - Kapit Pa Lyrics

Ilang beses nang lumuha
Nasaktan at nasugatan
Sakit na tiniis kahit nahihirapan

Lahat ay kakayanin
Basta’t ikaw ang makakapiling

Basta’t ikaw ang makatuluyan
Sikretong tinago ng pusong lumalaban
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Bibitawan na lang ba kahit puso'y kumakapit pa

Ngiti mong kay ganda ngunit nakakabulag
Haplos mong walang katulad ngunit nakakasugat

Iiyak na lang
Dahil lahat ko’y hindi sapat

Basta’t ikaw ang makatuluyan
Sikretong tinago ng pusong lumalaban
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Bibitawan na lang ba kahit puso'y kumakapit pa

Basta’t ikaw ang makatuluyan
Sikretong tinago ng pusong lumalaban
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit pa

Mahal kita

Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit

Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit
Bibitawan na lang ba kahit puso’y kumakapit pa

Pusakalye - Kapit Pa (Official Music Video)


Official music video of "Kapit Pa" by Pusakalye.

“Kapit Pa”
Composed by:Angelo Gerard Cawili
Published by: Viva Music Publishing, Inc.

Produced and arranged by: Pusakalye