Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Jelry - Rosas Lyrics

Verse:
Nung nakita ko ang iyong mga ngiti ako'y bigla na lang nahulog
Sabay umawit ka sa ‘yong mga kanta, sumasayaw ang aking puso
Ayoko ng matigil sandali, nagmamadali ba tayo?
Parang gusto pa nga kita na isayaw habang sumasabay sa tono

Pre-Chorus:
Unti-unting lumalapit sa akin
Na parang hinihila tayong dalawa
Lumalakas hampas nitong damdamin
Na parang mayroong bagyong dala… dala…
Dala… dala…
Tara...

Chorus:
Tayo'y sasayaw sa dulo ng kalawakan
Ating panghahawakan ang mga bituin at buwan

Post Chorus:
Paghimig ng plaka
Umpisa na
Merong hiwaga
Sa musika
Kamay sa ‘yong baywang habang
Ang puso natin ay naglilibang

Verse:
Katangi-tangi ang iyong ngiti,
Muli't muli, nangungulit, habang umiindak,
Namumulikat ang puso sa kaba
Na baka may mali sa aking hakbang
Para mahalin ka't ikaw ay masayaw
Hanggang sa lumipas itong ating kantang hindi kumukupas
Na parang ang pag-ibig nating kulay rosas
Na parang ang pag-ibig

Pre Chorus:
Lumalakas hampas nitong damdamin
Na parang mayroong bagyong dala… dala…
Dala… dala…
Tara na!

Chorus:
Tayo'y sasayaw sa dulo ng kalawakan
Ating panghahawakan ang mga bituin at buwan

Post Chorus:
Paghimig ng plaka
Umpisa na
Merong hiwaga
Sa musika
Kamay sa ‘yong baywang
Habang ang puso natin ay naglilibang

Kulay rosas ang ating pag-ibig

Jelry - Rosas (Official Lyric Video)


ROSAS by Jelry (Official Lyric Video)

Insight 360

Magnus Haven - Rosas (Official Music Video)


Director: Ryan Evangelista & Jaworski Garcia

VIVA + BSRM
: Verb Del Rosario
: Nina De Castro
Producer: Dianne Suelo
Project Coordinator: Jon-rei Robert Mangale
DOP: Mark Ginolos
Camera Opt: Ruel Guanco
Hair & Make up: Joanna Victoria
Stylist: Regine Chong
Art dept: Tabs Valdenor
Gaffer: Richel Suminguit
Utilityman: Kuya Rey
Catering: Catherine Buendia-Lozada

Special thanks to:
Grand Larain Productions Corp.
Coleen Ann Cho
Direk Albert Langitan

Written by: Rey Maestro
Music by: David Galang, Rey Maestro
Performed by: Magnus Haven
Mixing and Mastering: Robert Javier, David Galang, Jaworski Garcia
Executive Producer: Jaworski Garcia

Magnus Haven: Rey Maestro, Rajih Emmanuel, David Galang, Sean Espejo, Louise Vaflor

Guest actress: Jela Cuenca

Magnus Haven - Rosas Lyrics

Tuluyan nang naaakit sa’yo
Namamatay sa mga kilos mo
Hinuhubad ang pangalan mo
Kinukumpleto mo ang araw ko
Umaapoy sa iyong haplos
Sumisigaw hanggang mamaos
Sana naman ay
Hindi na matapos

Dahan-dahan sa paggalaw ng katawan
Unti-unti mong titigan
Dahan-dahan sa pagpikit ng iyong mata
Damhin mo lang, ‘wag mong tigilan

Babalik sa dating mundo
Sumasagi na maging demonyo
Magtatanong sa mga oras mo
Kung gusto sa paraiso
Ako’y gigil sa iyong halik
Madalas nananabik
‘Di makatiis sa ‘di makatiis
Mainit mong oo

Dahan-dahan sa paggalaw ng katawan
Unti-unti mong titigan
Dahan-dahan sa pagpikit ng iyong mata
Damhin mo lang, ‘wag mong tigilan

Dahan-dahan sa paggalaw ng katawan
Unti-unti mong titigan
Dahan-dahan sa pagpikit ng iyong mata
Damhin mo lang, ‘wag mong tigilan

Oohhh…

Magnus Haven - Rosas (Official Lyric Video)


Grand Larain Productions Presents:
Magnus Haven - Rosas
Official Lyric Video

Kaye Cal - Rosas Lyrics

Pwede bang
Huwag mo naman ako
Tingnan,
Ooh, ng ganyan
Nakakatunaw

Ako’y kinikilig
‘Di mapigilang ngumiti
Ako’y nahihiya
Mukha nang rosas sa pula

At kapag
Masyado kang malapit sa’kin
Kumakabog ang dibdib

Ako’y kinikilig
‘Di mapigilang ngumiti
Ako’y nahihiya
Mukha nang rosas sa pula

Ngunit sa isip ko’y ilang ulit na
Kitang nahalikan
Sa kamay mo, sa noo
Sa pisngi, at iyong mga labi

Sige ka ‘pag hindi ko napigil ang sarili
‘Pag ako’y nainis ikaw ay aking aangkinin

‘Wag na ‘wag na ‘wag na wag
Mo akong ganyanin
Nakakatunaw

Ako’y kinikilig
‘Di mapigilang ngumiti
Ako’y nahihiya
Mukha nang rosas sa pula
Ako’y kinikilig
‘Di mapigilang ngumiti
Ako’y nahihiya
Mukha nang rosas sa pula

Lalala lala lala lala la…

Ako’y nahihiya
Mukha nang rosas

Arron Cadawas - Rosas Lyrics

Sandali lang, wag kang magmadali,
Alam mo naman na ika'y akin,
Ang Pusong bato sa haplos ko'y tinaboy,
At sa mundo ko ikaw ay ginto,

Refrain:
Ako ang umagang palaging kasama,
Hindi ka na magiisa,
Sigaw ng damdamin, at gustong sabihing,
Ako ay huwag mong iiwan,

Pre chorus
Di ko na to mapigilan,
Simula ng ika'y makilala ko noon,
Mga gabi na magkasama tayong dalawa'y
Masayang magkayakap sa tabi,

Chorus
Ako ay huwag mong iiwan,
Ako ay huwag mong iiwan
Ahh 3x.

Pre chorus
Di ko na to mapigilan,
Simula ng ika'y makilala ko noon,
Mga gabi na magkasama tayong dalawa'y
Masayang magkayakap sa tabi,

Chorus
Ako ay huwag mong iiwan,
Ako ay huwag mong iiwan
Ahh 3x.