Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Lyca Gairanod - Sa Isang Awit Lyrics

Noon ang aking buhay ay walang kulay
Mga sandaling laging napupuno ng takot
Parang nababalot
Sa kahapong kaypait
Para bang mundo'y sa akin ay nagagalit
Ngunit dahil sa awit mga pangarap ating mararating

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit...
Ngayon ang aking buhay ay may kulay

Mga sandaling laging may dalang ligaya
Ang bawat umaga
Puno ng pag-asa
Napawi nang lahat ng paghihirap
At dahil sa isang awit mga pangarap
ay aking narating

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit...
Lumaban ka, wag na wag susuko
Maniwala lang na may mararating...

Ako'y nangarap
Ako'y lumaban kahit na mahirap
Kahit sila'y hindi naniniwala
Hindi napigil sa aking pangarap
At dahil sa isang awit
Mga pangarap ay aking nakamit...
Mga pangarap ay aking nakamit...