Wag ka nang mangangamba
Di ako yung tipong hanggang salita
Mundo mo’y mahalaga
At nais ko ay makitira
Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki
Di babalik ang nakaraan kapag ika’y sa akin
Sana’y maramdaman mo
Na ito ay totoo
Tatahakin ang malumbay na daan
Upang saya ay daling makamtan
Wag kang makikinig sa kanila
Ako ay nangingibabaw sa iba
Kaya hayaan mo, nakikita ko
Lahat ng pirasong pagkukulang mo
Ika’y buong buo para sa ‘kin
Ang puso mo’y aking sasaluhin
Di ka pa ba napapagod
Na humandusay diyan sa lungkot
Di ka karapat-dapat na sinasaktan
Puso mo ay hindi dapat nahihirapan
Paghihinagpis mo ay lilipas din
Pagkakataon ito’y para sa ‘tin
Lahat ng gusto mo ay aking gagawin
Buwan ma’y abutin, bituin ma’y sapitin
Para sa’yo
Para sa’yo
Para sa’yo
Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki
Di babalik ang nakaraan kapag ika’y sa akin
Sana’y maramdaman mo
Na ito ay totoo
Tatahakin ang malumbay na daan
Upang saya ay daling makamtan
Wag kang makikinig sa kanila
Ako ay nangingibabaw sa iba
Kaya hayaan mo, nakikita ko
Lahat ng pirasong pagkukulang mo
Ika’y buong buo para sa ‘kin
Ang puso mo’y aking sasaluhin
Sasaluhin
Ang puso mo ay sasaluhin
Sasaluhin