Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Hulo - Sukob Na Lyrics

Tuwing umuulan ay naaalala tayong dalawa
Kay sarap isipin
Na may kasama sa buhay pag bumaha

Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak na, kapit pa
Sa payong ko magkasama tayo ...

Hinding-hindi ka pababayaan
Na mag-isa sa ulan
Aalagaan, magtatawanan
Wala na 'tong iwanan ...

Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula't, bumagyo magkasama tayo ...

Di ko na inakala pa, na ika'y paparito
Ngunit salamat na lamang
At dumating ka sa buhay ko ...
(Repeat 2)

Sa payong ko
Magkasama tayong dalawa ...

Michael John Regalado - Sukob Na (Official Lyric Video)


Sukob Na (Official Lyric Video)
Artist: Michael John Regalado
Composer: Jimmy Borja & Vehnee A. Saturno
Publisher: Vehnee Saturno Music Corp

Michael John Regalado - Sukob Na Lyrics

Paano ba patitigilin
Pintig ng puso at damdamin
Kung sa bawat kong galaw ay ikaw
Paano ba mananalangin
Upang ika’y maging sa akin
Ano kayang dapat maging dasal?

Sa aking pagtulog napapanaginipan
Dama ko na sa ‘yo’y nagmamahal
Ano pa ba ang s’yang kulang upang mapatunayan
Na ikaw ang hanap ko nang kay tagal

Sukob na dito sa bisig ko
‘Padarama sa ‘yo
Pag-ibig na wagas at totoo
Ikaw ang nais ko

Kahit pa saan bumaling
Palagi ka na iisipin
‘Di mawala-wala sa damdamin
Larawan mo ang nakikita
Dahil sa puso’y may pag-asa
Na ikaw at ako tayong dal’wa

Sa aking pagtulog napapanaginipan
Dama ko na sa ‘yo’y nagmamahal
Ano pa ba ang s’yang kulang upang mapatunayan
Na ikaw ang hanap ko nang kay tagal

Sukob na dito sa bisig ko
‘Padarama sa ‘yo
Pag-ibig na wagas at totoo
Ikaw ang nais ko

‘Wag mong babawiin
Kung ibibigay sa akin
Pakinggan sana ang aking lambing

Sukob na dito sa bisig ko
‘Padarama sa ‘yo
Pag-ibig na wagas at totoo
Ikaw ang nais ko

Sukob na dito sa bisig ko
‘Padarama sa ‘yo
Pag-ibig na wagas at totoo
Ikaw ang nais ko

Sukob na…
Oohh.. hoohh..
Sukob na…

Michael John Regalado - Sukob Na (Official Lyric Video)


Sukob Na (Official Lyric Video)
Artist: Michael John Regalado
Composer: Vehnee A. Saturno
Publisher: Vehnee Saturno Music Corp