Pinoy Radio Here:

Support OPM

OPL Archive

Ex Battalion ft. Alden Richards - Superhero Mo (Official Lyric Video)

Superhero Mo is the official theme song of Victor Magtanggol. It was composed by Ex Battalion and performed by Ex Battalion featuring Alden Richards.

GMA Network

Ex Battalion ft. Alden Richards - Superhero Mo Lyrics

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo
Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto
Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa iyo kung kailangan
Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban
[x2]

[Alden Richards:]
'Wag kang matakot, ako ay nandirito
At pag-ibig ang babalot sa atin at hindi ko
Papabayaan na masaktan at masugatan ka
Pisikal o sa pakiramdam man dahil ako
Ang superhero mo

Dapat sa akin ay hindi ka sana maghinala
Ako na ang bahala, sa'kin ka humawak
'Wag kang mabahala, lahat ay makakaya
Basta para sa'yo handa akong lumaban
Ikaw lang at ako, lalaban sa buong mundo
Basta't tayo ay magkasama hanggang dulo

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo
Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto
Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa iyo kung kailangan
Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban

[Flow G:]
Ako ay laging nakatingin, nakamasid palagi saan ka man makarating
'Di mo lang pansin, binabantayan kita nang palihin
Para sa tuwing mapapahamak kaya kang sagipin
Ako ay nandito para sa'yo, lahat gagawin ko
Pipiliting ibigay anumang hilingin mo
'Di ako nandito para magpaka-weirdo
'Di mo lang alam handa 'kong magpakahero

Ako ang haharang, 'wag ka lang mahirapan
Ako ang sasalo ng mga bubog sa daanan
Para lamang 'di masugatanang 'yong talampakan
Aalagaan ka kahit wala kang karamdaman
Kung kailangan, dahil para sa'kin
Ganyan ka kahalaga, kaya kung kailangan
Gagawin ako ang lahat kahit ako ay mapasama

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo
Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto
Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa iyo kung kailangan
Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban

[Bullet D & Jackmow:]
Saan man handa kitang samahan
Tawaging lang ako 'pag may kailangan
Ikaw ang lakas at kahinaan
Kaya hinding hindi pababayaan
Nasaan ka man, mapupuntahan
Sa panganib man na mayroong hadlang 'di aatrasan
Lagi lang nasa iyong likuran, masasandalan
Nakahanda kang paglingkuran at gagabayan

Dahil walang katumbas sa akin ang katulad mo
Lagi kang iingatan saan mang sulok ng mundo
Palagi mong isipin na nandito lang ako
Handa kang ipaglaban kahit na ikapahamak ko para sa'yo kasi

Ikaw ang naging dahilan
Ikaw ang dahilan kung ba't may
Pinaghuhugutan at pinagkukunan ng lakas ng loob
Tatag ng paninindigan, na kahit anong mangyari
Magsisilbi mong sandigan
Tigapagligtas mo ako
Anumang oras kailanganin mo ay heto
Wala nang pwede pang ibang makakapanakit sa'yo
At isang tawag lang nand'yan agad ako, asahan mo

Prinsesa ka para sa akin
Ako'y aliping superhero na magiting
Ako din ang magiging kakampi sa lahat mananatiling
Nakasunod, nakamasid sa'yo saan ka man makarating

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo
Handa akong makipaglaban para lang sa iyong gusto
Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa iyo kung kailangan
Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban

[Daryl:]
Basta tawagin mo lang ang pangalan ko
Tawagin mo ako kapag kailangan mo
Sa oras na masama ang kalagayan mo
Parating na ako, 'wag kang tatakbo
Nandito lang ako habang nand'yan ka
'Di kasi ako papayag masaktan ka
Kung pwede lang na araw-araw bantayan ka
Para kung aalis ka man ay masamahan ka

Sa lakad mo, 'wag ka nang mangaba
Andito lang ako, ikaw ay kumalma
Kasama mo ako, 'wag kang mataranta
Yayakapin kita kapag kinakabahan ka
Hindi ko hahayaang mapahamak ka
Anumang mangyari ay ipaglalaban kita