Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

JADE - Uniberso Lyrics

Ilang patak na nga ba?
Patak ng mga luha
ang aking nasayang
sabay sa panghihinayang.
Akala ko’y hindi ko na
muling magagawa pang
makita ang ligaya
nang iwan mo ‘kong nag-iisa.

Refrain:
Hindi ko na, hindi ko na kailangan pang magdusa
sa bawat pagkukulang mong hindi ko man lang pinupuna
Ako ay bibitiw na, tuluyan nang lalaya
sa bawat bangungot mong dala, puso ko’y nagsasawa na.

Chorus:
Wala na, wala nang ikaw na dati’y tinatangi ko.
Wala na, wala nang akong may pusong nababaliw sa ‘yo.
‘Pagkat tuluyan na ngang bumangon ang aking uniberso.
Wala na, wala na, wala na, wala nang tayo.

‘Di ba? Ang sabi mo sa akin noong una,
tayong dal’wa’y manunumpa sa dambana.
Magsasama hanggang sa huling hininga
ngunit pagdilat ng aking mata’y wala ka na.
Sumama sa iba, nagpakalayo-layo,
pilitin mang hanapin ka, hindi na ‘ko makatayo.
Sa harap ng marami’y merong ngiti sa mukha,
itinatagong patak ng luha sa iyong pagkawala.

Wala nang sasayangin,
muli kong pupulutin.
Bawat piraso ng puso kong
noo’y nagmamahal sa’yo.
Muling mahahawakan
sa aking kalawakan,
daigdig kong minsang
sa ‘yo’y naging sunod-sunoran.

Refrain:
Hindi ko na, hindi ko na kailangan pang magdusa
sa bawat pagkukulang mong hindi ko man lang pinupuna
Ako ay bibitiw na, tuluyan nang lalaya
sa bawat bangungot mong dala, puso ko’y nagsasawa na.

Chorus:
Wala na, wala nang ikaw na dati’y tinatangi ko.
Wala na, wala nang akong may pusong nababaliw sa ‘yo.
‘Pagkat tuluyan na ngang bumangon ang aking uniberso.
Wala na, wala na, wala na, wala nang tayo.

Wala na, wala na ang planeta ng pag-ibig mo.
Wala na, wala na, ningning ng bituin ng paghanga ko sa ‘yo.
‘Pagkat tuluyan na ngang bumangon ang aking uniberso.
Wala na, wala na, wala na, wala nang tayo.

Bridge:
Wala namang ibang hangad
kundi ang pag-ibig mong tapat.
Binigay ko na ang lahat-lahat, bakit hindi pa ba sapat?

Ngayon ako’y natuto na;
‘di na muling aasa pa.
Sa bawat pintig ng puso’y hindi na ikaw ang sinisigaw.

Chorus:
Wala na, wala na ang pangalan mo sa puso ko.
Wala na, wala na, sakit at hapdi ng damdamin kong ito.
‘Pagkat tuluyan ko nang tinutuldukan ang ating kwento.
Hawak ko nang muli ang liwanag ng aking uniberso.