Pinoy Radio Here:

Followers:

OPM Archive

Vanessa Mendoza - Giliw Lyrics

Basta kausap ka ay ayos na sa ganito
Kahit pa tayo’y malayo

Basta naririnig ang boses mo sa smartphone ko
Langit na kahit papano

Minsan nalulungkot nangangamba
Hanggang kailan ba

Tinitiis na puntahan, makita’t mayakap ka
O giliw, o giliw
Ilang buwan pa ba ang dadaan
Bago pa makasama ka
O giliw, o giliw

Kahit naiinis, nayayamot na sa inip
Basta ligtas ka sa panganib

Nalulumbay, nababaliw kaya pa bang tiisin
Sambit ka sa panalangin

At bago matulog, tinitingnan ang picture mo
Para lang maramdaman na ikaw ang nasa tabi ko

Tinitiis na puntahan, makita’t mayakap ka
O giliw, o giliw
Ilang buwan pa ba ang dadaan
Bago pa makasama ka
O giliw, o giliw

Tinitiis na puntahan, makita’t mayakap ka
O giliw, o giliw
Ilang buwan pa ba ang dadaan
Bago pa makasama ka
O giliw, o giliw

Tumigil man itong mundo

Vanessa Mendoza - Giliw (Official Lyric Video)


The official lyric video of "Giliw" by Vanessa Mendoza.

Composed by Burn Mercado and Vanessa Mendoza
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by John Apura
Recorded by Ponz Martinez
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Viva Recording Studios

Vanessa Mendoza - 'Di Aaminin Lyrics

Ako na nama’y nagkagusto
Sa lalaking ‘di akalaing magiging tipo
Sa tuwing kasama siya ako’y nabubulol
Minsan pa nga ay natatapilok
Wala sa tamang pag-iisip
At ‘di talaga makaimik
Natutuwang pakinggan mga tawa mo
At mga matang ‘di makita tuwing nakangiti

Brad, wala sa timing ang iyong pagpapakilig
Tinitiis sabihin ng aking bibig
Habang tumatagal lumalalim ang pagtingin

‘Di ko aaminin na may gusto sa’yo
Kahit halatang-halata na
Ngayon lang ulit naging masaya
Pinipigilan ko pa nga nung umpisa
‘Di na nga magtataka kung ako’y nahulog na

Takot subukang i-level up ang pagkakaibigan
‘Di pa handang masaktan baka pa ma-awkwardan
‘Di nga alam kung pareho ang nararamdaman
Baka ‘di pa kayanin ng puso kong baliw sa’yo
Kaya maghihintay na lang ng pagkakataon

Sabihin sa’yo
Bigla akong preno
Nakita pa’ng magkasama kayo

‘Di ko aaminin na may gusto sa’yo
Kahit halatang-halata na
Ngayon lang ulit naging masaya
Pinipigilan ko pa nga nung umpisa
‘Di na nga magtataka kung ako’y nahulog

Na… na… oh
Na… na… oh
Na… na… oh
‘Di magtataka kung ako’y nahulog na

Pero eto na nga
Ika’y unti-unting lumalayo
Nakakapanibago, ‘di ka na namamansin
Dito na lang ako sa gilid titingin
Mag-aabang maglaho tibok ng puso
Pero sa ngayon

‘Di ko aaminin na mahal kita
Kahit halatang-halata na
Ngayon lang ulit naging masaya
Pinipigilan ko pa nga nung umpisa
‘Di na nga nagtataka dahil ako’y nahulog na

Na… na… oh
Na… na… oh
Na… na… oh
‘Di nagtataka dahil ako’y nahulog na
Ooh
‘Di nagtataka dahil ako’y nahulog na

Vanessa Mendoza - 'Di Aaminin (Official Lyric Video)


The official lyric video of “'Di Aaminin” by Vanessa Mendoza.

“'Di Aaminin”
Composed by: Vanessa Mendoza
Published by: Viva Music Publishing, Inc.

Produced by: Civ Fontanilla
Arranged by: Mike Villegas